Chapter. 4

327 9 0
                                    

Alice POV

Walang nagawa si Cloudy kung di ang isama ako sa paghahanap niya kina Thom at Tren.

Habang nagmamaneho si Cloudy ay tinawagan ko si Hazel.

Bold (ako) Italic (Hazel)

"Madam"

"May ipapahanap ako sa 'yo, isang tao"

"Hanapin mo si Eassy"

"Eassy?"

"Iyong batang bulag doon sa Orphanage sa Pampanga"

"May nais akong itanong sa kanya"

"Masusunod Madam, hahanapin namin agad"

Pinatay ko na ang linya at binalik sa loob ng pouch.

"Bakit? Sino si Eassy? May alam ba siya kina Tren at Thom?"

"Magmaneho ka na lang" sabi ko

May dinaanan kaming groceries.

"Bakit ka nag-u turn?"

"Mag-grocery tayo, wala ng stock sa bahay" sabi niya

Agad naman niya pinark sa gilid ng grocery.

"Dito ka na lang sa kotse"

Hindi na ako nagsalita at tanggo na lang ang ginawa ko.

Lumabas na siya ng kotse.

Tinawagan ko si Jane para marinig kong ang boses nila.

Bold (ako) Italic (Jane)

"Sino 'to?"

"Uy! Sino 'to?"

"Kung sino ka man, wala akong pera"

"Sa iba ka na lang humingi ng pera"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Hindi siya nagbago.

"Nanay" sigaw ng batang babae

"Ano ba Juliana? Nakakarindi ang boses mo"

"Nanay si Kuya kasi sinira niya po 'yong barbie ko" sabi ni Julianna

"Julian" sigaw ni Jane

Nilayo ko ang cellphone sa aking tenga.

"Bakit po Nanay?" Sabi ni Julian

"Anong bakit? Bakit mo sinira ang barbie ni Juliana?"

"Gusto ko lang po" sagot ni Julian

"Eh! Kung paluin kaya kita dahil gusto ko lang din"

Ganyan ba talaga sila mag-usap na mag-ina?

"Si Nanay high-blood agad" Sabi ni Julian

"Nasaan ang Tatay ninyo?"

"Busy po si Tatay sa pambabae" sabi ni Julian

"Tawagin mo ang Tatay mo, papuntahin mo dito"

"Pinapaliguan niya po si Julius" sabi ni Julian

"Basta tawagin mo"

"May kausap ako sa cellphone"

"May kausap pala kayo sa cellphone Nanay, pero bakit mas pinili niyo pag-sabihan si Kuya?" Sabi ng isang babae

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon