Chapter. 25

194 8 0
                                        

Alice POV

Ngayon na ang kaarawan nina Tren, Thom at Liza. Abala ang lahat sa pag-aayos habang kami naman nina Xeala at Geaece ay abala sa pagbe-bake ng mga cupcakes at cakes.

"Alice, handa ka na bang makita ang parents at mga kaibigan mo?" Tanong ni Xeala

"Kinakabahan"

"Kaya mo 'yan Alice, tutulungan ka namin sa pagpapaliwanag" sabi ni Geaece

Tumango naman si Xeala bilang sang-ayon.

Na matapos kami sa pagbake ay tinawag ko na ang triplets para bihisan sila, sumama si Tita Tristina sa 'min para tulungan ako sa pagbibihis sa triplets.

"Sana makapag-bonding tayo Alice" sabi ni Tita Tristina habang bini-bihisan si Thom

"Sana nga Tita Tristina"

Ngumiti naman si Tita Tristina.

"Excited na ba kayo makita ang magulang at kaibigan ng Mommy ninyo? Tren at Thom"

"Excited na po kami Mamita" tuwang sabi ni Thom

"Paniguradong matutuwa kayo na makita at makasama sila, lalo na si Ninang Jane" sabi ni Liza

"Ang gwapo ng mga anak ko"

"Ang ganda na nag-iisang babaing anak ko"

"Mommy, baka po lumaki ulo ko" sabi ni Liza

"Malaki na nga ulo mo, sa tingin mo may ilalaki pa 'yan?" Sabi ni Tren

"Tingnan ninyo po Mommy, Mamita at Kuya Thom inaasar ako ni Kuya Tren" sabi ni Liza

Natawa na lamang si Tita Tristina.

"Sorry na Bunso" sabi ni Tren

Tok tok tok

Napatingin kami sa kumatok at bumukas ito.

"Tapos na ba bihisan ang triplets? Nandiyan na ang mga bisita" sabi ni Tito Tatcher

"Tapos na" sagot ni Tita Tristina

"Pumunta na kayo sa labas"

"Enjoy kayo sa party"

"Opo Mom" sagot nila

Lumabas na silang tatlo at sumama kay Tito Tatcher.

Naiwan kami dito ni Tita Tristina.

"Mag-aayos ka na rin ba?" Sabi ni Tita Tristina

"May tanong ako sa inyo"

"Kayo ang Mafia Queen, Ano ang naramdaman ninyo na gusto ni Thun ang maging Mafia Prince?"

"Noong una syempre kinakabahan ako sa mga ensayo niya, madalas kasi siyang nasasaktan kapag mali ang kilos at hawak niya. Habang tumatagal ay nagiging kampante na ako dahil alam kong hindi siya pinababayaan ng kanyang ama" sabi ni Tita Tristine

"Hindi ko alam kung sino sa mga anak ko ang magiging Mafia Prince"

"Kung sino man sa anak ninyo ni Thun ang magiging Mafia Prince ay kailangan mo magtiwala sa kanyang kakayahan, ang dugo na nalalantay sa kanila ay dugo na galing sa Mafia"

"Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aayos?"

"Hindi na, Salamat Tita Tristina" sabi ko

"Wala 'yon, balang araw ay magiging manugang na kita"

Lumabas na ng kwarto si Tita Tristina at hinanda ko ang mga susuotin ko bago pumasok sa C. R nag-umpisa na ako maglinis ng katawan.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon