Alice POV
"Nagulat ka ba Mafia Prince?"
"Paano mo nalaman?" Takang tanong ni Thun
"Nalaman ko kagabi may nahuli kayong isang lalaki na humuli sa 'kin"
"Uunahan natin sila maghanap, bago nila tayo mahanap ay dapat mahanap na natin sila"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Thun
"Magplano na tayo laban sa kanila"
"Hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng mga butchi nila at kapag nalaman ko kung ano 'yon, sigurado ako na may dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon"
"Kung ganoon ay doon tayo sa kwarto ko, doon tayo mag-uusap" sabi ni Thun
"Para saan ang sala, rooftop at study room? Doon lang tayo pwede mag-usap" inis na sabi ko
"Binibiro lang naman kita, galit ka agad"
Lumingon naman si Thun.
"B, paki-tawag si Yaya Saps"
Tumango naman siya bilang sagot bago pumasok sa loob ng bahay.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Hazel.
Bold (ako) Italic (Hazel)
"Madam"
"Paki-send sa gmail ko ang record ng pagsabog sa dalawang kompanya ko"
"Gusto ko alamin ninyo kung sino si Denier Foller"
"Alamin ninyo ang lahat tungkol sa kanya"
"Masusunod Madam"
"Pero Madam, Nasaan po kayo?"
"Ayos lang kami, basta gawin mo 'yong pinapagawa ko"
Binaba ko na ang linya at binalik ang cellphone sa bulsa.
Tumayo na kami ni Thun.
"Sino ang magbabantay kina Tren, Thom at Liza?" Sabi ko
"Si Yaya Saps at ang iba pang mga tauhan ko ang magbabantay sa kanila"
"Pinagsabihan ko na rin sila"
Sabay kaming pumasok sa loob ng Thun napansin ko nakasunod sa 'min sina A, B, C. A, C. L, D, at E.
Huminto naman ako sa paglalakad na maramdaman 'yon ni Thun ay huminto rin siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin.
"Bakit sila sumusunod sa 'tin?" Takang tanong ko
"Dapat alam nila ang plano at pinag-usapan natin"
Hindi ko na rin kinontra si Thun kaya pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa study room.
"Kailangan ko ng laptop"
Pumunta si Thun sa kwarto niya at kami ay pumasok nasa study room.
Nauna silang umupo sa sofa na magkabilang gilid. Habang ako naman ay umupo sa gitna sa sofa.
"Sa tingin mo Alice, Sino si Denier Foller?"
Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni A, dumating na rin si Thun at dala ang laptop agad naman niya ito binaba sa table na nasa harap ko. Umupo na rin siya sa tabi ko.
"Saan tayo magsisimula?" Tanong ni Thun
"Sa pagkasunog sa dalawang kompanya ko"
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...