Alice POV
"Mom" tawag sa 'kin ni Thom
"Hmmm, May gusto ba sa inyo si Ninong Cloudy?" Tanong ni Thom
"Bakit mo na tanong?"
Nandito kami sa sala at nanonood ng cartoons.
"Iba ang tingin niya sa 'yo parang may something Mom" sabi ni Tren
"Baka may something din ang mata ninyo"
"Mom, maliniw po ang mata namin" sabi ni Thom
"Baka guni-guni niyo lang 'yon"
"Basta Mom, Hindi kami boto sa kanya" sabi ni Tren
"Pangit kasi siya Mom" sabi ni Thom
Mapag-lait ang mga anak ko.
Tok tok tok
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Sino sila?"
"Nandito po ba si Mr. Cloudy Llamedh?" Tanong ng isang babae
"Wala po"
"May nagpapabigay po sa kanya" sabi niya
Inabot ko naman ang box agad ko naman nilapag sa sahig.
"Salamat po"
Hindi na ako nagsalita at sinarado ko na ang pinto.
Nilagay ko sa gilid ang box tsaka bumalik sa sofa.
Ilang oras sa panonood ay may biglang nagsalita sa likod.
"May box na naman"
Tumayo ako na marinig ko ang boses niya.
"Sino nagbigay?"
"Wala siya sinabi, pinaabot lang daw sa kanya" sabi niya
Tinabi ni Cloudy ang dala niyang kahon.
"May uwi akong pizza nasa kusina"
"Nasaan sina Tren at Thom?"
"Nasa kwarto natutulog" sabi ko
Umupo naman siya sa sofa at hinila niya ako kaya napa-upo din ako sa tabi niya.
Inakbayan niya ako agad.
"Ano ba alisin mo 'yan?"
Inalis naman niya ang kanyang braso.
"Hindi mo ba titingnan ang laman ng box?" Tanong ko
"Mamaya na lang"
"Hmmm Alice"
"Oh?" Takang tanong ko
"Nakapag-sorry na ba ako sa mga kalokohan na nagawa ko?"
"Hindi ko alam" sagot ko
"Bakit hindi mo alam?"
"Nakalimutan ko na kasi ang mga ginawa mong kalokohan sa 'kin" sabi ko
"I'm sorry Alice, I'm sorry"
"Ayos na sa 'kin 'yon" sabi ko
"Gusto ko magpasalamat sa 'yo dahil tinulungan mo sina Jane at Reign para makabalik si Reign sa pagiging tao" sabi niya
"Kaibigan ko si Jane at kapatid mo naman si Reign, ayako naman na tanggihan silang dalawa dahil lang sa trabaho ko"
"Pero..kung hindi ko sila tinulungan baka na kasama ko pa ng matagal sina Tren, Thom at Liza. Pakiramdam ko kasi pabaya akong ina"

BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...