Chapter. 13

203 10 0
                                    

Alice POV

Kanina pa ako hindi makaramdam ng antok habang sina Tren, Thom at Liza ay mahimbing ang tulog dito sa aking tabi.

Umupo ako sa kama bago tumayo. Tiningan ko naman sila bago lumabas ng kwarto.

Tahimik ang paligid dahil tulog na ang mga katulong.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Na makakuha ng tubig ay pumunta ako sa garden para magpahangin.

Habang nakatingin sa langit ay hindi ko maiwasan mag-alala kina Mom, Dad at sa mga kaibigan ko.

Kamusta na kaya sila?

Nakalimutan kong itanong kay A kung nasaan ang cellphone ko.

Iinom na sana ako ng tubig na may narinig ako na lagabog. Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng tubig, tumayo ako habang hawak ang baso tsaka pumasok nasa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina, nilapag ko sa lababo ang baso at kumuha ako ng kutsilyo.

Bumalik ako sa garden at sinundan ko ang kung saan nanggaling ang lagabog kanina. Napansin ko na bukas ang isang kwarto. Lumapit ako doon at sumilip sa loob.

Nakita ko sina A at Thun na may kausap ng isang lalaki na nakatali sa pader.

Kilala ko ang lalaking 'yon, siya ang nagmamaneho ng truck habang kinaladkad ako.

"Ano ba ang atraso ko sa inyo?"

"Sinaktan ninyo ang babaing mahal ko" sabi ni Thun

"Wala kaming sinasaktan ng babae"

Sinapak siya ni A halos madugo ang kanyang bibig.

"Huwag kang sumagot ng ganyan kay Prince" sabi ni A

Prinsepe ng basura.

Napangiti naman ako na maalala ko ang kanyang itsura na sinabi ko 'yon.

"Kilala mo ba ang kaharap mo? Gumalang ka" dagdag na sabi ni A

"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa anak ng Mafia King?"

Mafia King?

"Kilala kita ikaw ang anak ng Mafia King, ikaw si Mafia Prince"

"Matunong ang Mafia Prince kaya halos lahat ng fraternity, gangster, hoodlum, at mafia ay kilala ka"

Kung ganoon ay si Thun ang Mafia Prince at si Tito Thatcher ang Mafia King.

Never ko nakita ang Mafia King, Queen at Prince sa malapitan. Pero ngayon ay alam ko na.

Hindi lang gangster, fraternity, hoodlum at mafia ang nakakakilala sa kanya.

"Bakit ninyo kinuha at kinulong si Alice?" Tanong ni Thun

"Dahil may atraso siya sa Boss at kay Madam"

"Sino 'yang Boss at Madam ninyo?" Tanong ni A

"Hindi ko alam"

Sinapak ulit siya ni A.

"Ang kilala ko lang ay si Boss pero si Madam ay hindi ko siya nakita at hindi ko alam ang pangalan niya"

"Anong pangalan ng Boss ninyo?" Tanong ni Thun

"Denier Foller"

Denier Foller? Sino siya? Anong ginawa ko sa kanya? Bakit niya ako pinapahirapan?

"Ang alam ko ay girlfriend niya si Madam"

Tumalikod si Thun sa kanya at may binulong siya kay A.

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon