Cloudy POV
"Hoy! Gising"
Agad ko naman minulat ang aking mata na may narinig akong boses.
Nakita ko ang anim ng lalaki at lahat sila ay naka-itim.
A/N: Para hindi kayo malito ito ang gagawin ko.
Ang code nila ay number 1, 2, 3, 4 etc.
Iba ang One at Two sa 1 at 2 na nagbabantay kay Alice.~~~
"Nasaan sila?" Tanong ni 3
"Nasa kwarto, natutulog" sabi ko
"Kanina pa kami dito, wala sila sa kwarto at wala rin ang kanilang gamit" sabi ni 6
Acting alert:
Umakting ako na parang nagugulat.
"Paanong wala? Hindi sila makakalabas dahil na sa 'kin ang susi"
Kinapa ko ang aking bulsa at doon ko napansin na wala dito.
"Wala dito ang susi ko"
"Wala kaming panahon para sa aktingan mo" sabi ni 1
"Na saan sila?" Sabi ni 2
"Bago ako matulog dito ay chineck ko sila sa kwarto, nakita ko na mahimbing sila natutulog"
"Ni-lock ko ang pinto at sinugurado ko na hindi nila alam kung saan nakatago ang susi"
"Pag-nalaman namin na plano ninyo ito ni Alice, sisiguraduhin namin na hindi ka na hihinga muli sa mundong 'to" sabi ni 4
"Nagsasabi ako ng totoo"
"Mahal ko pa ang buhay ko"
"Baka naman binanggit mo kay Alice ang mga natatanggap mong death treats mula sa 'min" sabi ni 5
"Wala siyang alam tungkol sa mga pinapadala ninyo death treats sa 'kin"
"Kanina nagkasagutan kami ni Alice"
"Kung ganoon ay naglayas siya dahil inaway mo" sabi ni 2
"Tama, naglayas si Alice kasama ang anak niya"
May pumasok na dalawang lalaki sa pinto.
"Pinanood namin ang C. C. T. V rinig na rinig ang sigawan ninyo ni Alice" sabi ni 8
"May nakausap din kaming kapitbahay na nakakarinig ng ayaw ninyo" sabi ni 7
"Malandi kasi siya"
"Dapat hindi mo siya inaway para hindi naglayas" sabi ni 5
"Aba! Malay ko ba na maglalayas 'yon"
"Malandi kasi kaya naglayas"
"Nag-iisip ka ba? Saan na namin siya hahanapin?" Tanong ni 6
"Bakit parang ako pa ang may kasalanan?"
"Kasalanan ko ba na nagselos ako sa lalaki niya"
"Kung ganoon, Sino ang lalaki niya?" Tanong ni 8
Paktay ka.
"Maaring doon pumunta sila Alice" sabi ni 7
"Hindi ko alam kung may lalaki nga siya"
"Siguro ay tama si Alice, masyado ko siyang sinasakal"

BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Acción[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...