Thunder POV
"Mauna na ako sa inyo baka manyakin pa ako ng Mafia Prince ninyo"
"Cool" sabi ni E na lumabas si Alice sa kwarto
"Hindi ko mabasa ang ugali ni Alice" sabi ni A
"Talagang nagtatalo sina Prince sa harap natin" sabi ni E
"Kaysa naman sa 'yo under ng girlfriend" sabi ni C. A
"Sapakin kaya kita pasmado ang bibig mo" inis na sabi ni E
"Tama na" awat ni A
"Ito kasi si C. A palibhasa walang girlfriend kaya sumusumpong ang pagiging bitter" sabi ni E
Isip bata talaga ang dalawang 'to pero maasahan sa anumang laban.
"Pero Prince aminin mo pagdating kay Alice natatalo ka?" Sabi ni D
"Natatalo talaga ako pag-nagtatalo kaming dalawa"
"Iba talaga pag-nagmamahal di ba Prince?" Sabi ni E
"Oo"
"Sanay na naman ako sa ugali ni Alice kaya hindi na kagulat-gulat na magbago ang ugali niya"
"Ang lakas ng mood swing niya"
"Halata nga Prince" sabi ni C. L
"Anong plano Prince?" Tanong ni B
"Sundin ninyo ang sinabi ni Alice"
"Malilintikan sa 'kin ang Denier na 'yan"
"Lulumpuhin ko talaga siya"
"Easy lang Prince" sabi ni D
"Nga pala Prince, 'yong tungkol sa bagong tagapag-mana" napatingin naman kami sa sinabi ni A
"Napapalit sa 'yo bilang Mafia Prince, Sino kina Tren at Thom ang bagong Mafia Prince?" Sabi ni A
"Sa tingin ko Prince, si Tren ang papalit sa 'yo dahil siya ang panganay mong anak" sabi ni D
"Hindi naman basehan ang pagiging panganay ang mahalaga ay ginusto niya ang kanyang tungkulin" sabi ni C. L
"Sa ngayon ay hindi ko pa iniisip ang bagay na 'yan"
"Hindi pa din kami nag-uusap ni Dad tungkol sa pagbabago ng posisyon ko"
"Prince, anong reaksyon ni Alice na malaman niya na ikaw ang Mafia Prince?" Tanong ni E
"Parang wala lang sa kanya"
"Dad"
Sabay kaming lumingon sa nagsalita.
Pumasok sa loob sina Tren at Thom agad naman sila umupo sa tabi ko.
"Pinapunta ba kayo ng Mommy ninyo?"
"Hindi po" sagot ni Thom
"Iniwan ninyo si Liza sa baba?"
"Naka-tulog po si Liza" sabi ni Thom
"Si Mom nasaan po Dad?" Tanong ni Tren
"Hindi niyo ba nakita sa baba?"
Umiling naman sila bilang sagot.
"Hindi ko alam kung nasaan"
"Bakit nga pala kayo nandito?"
"May mahalaga lang po kaming sasabihin" sabi ni Thom
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Action[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...
