Chapter. 33

176 6 0
                                    

Alice POV

Makalipas ang dalawang buwan.

Sa dalawang buwan na nakalipas ang dami na nangyari.

Nanganak na si Stella at lalaki ang anak nila ni AC.

Nakapag-move on na rin si Cloudy at girlfriend niya na rin si Arian.

Sinabi sa 'kin ni Hazel na nililigawan daw siya ni Raven.

Napag-alaman ko rin na pinatay ni Thun si Denier.

Anim na buwan na akong buntis.

Magaling na rin ang sugat ko ganoon din kay Ellaine.

Pinatawad ko na rin si Thun sa katunayan ay bumabawi siya sa 'kin.

Alam na rin nila Mom na nagdadalang tao ako at labis silang natuwa na malaman 'yon.

Ang triplets pati si Thun ay todo alalay at pag-aalaga sa 'kin.

Sana wala ng gulo.

"Bakit nag-iisa ka dito sa sala?" Tanong ni Ellaine na kararating galing sa garden

"Iniisip ko kung kailan matatapos ang gulo"

"Makakasama sa 'yo ang mag-isip na kung ano-ano lalo na't buntis ka" sabi ni Ellaine

"Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala"

"Alam kong galit si Eileen dahil pinatay ni Thun si Denier"

"Kailangan namin maging handa ora-mismo"

"Nandito lang ako Alice, hindi ko kayo iiwan kahit anong mangyari" sabi ni Ellaine

"Salamat Ellaine"

Bang Bang Bang

Sabay kami napantingin ni Ellaine sa labas.

"Ma'am, nandito ang mga tauhan ni Eileen" sabi ni B

"Sabihin mo sa Prince ninyo"

Pumunta si B sa taas para sabihin kay Thun.

"Madam" sabi ni Hazel na kakababa lang sa hagdan

"Mag-handa kayo dahil mapapalaban tayo"

"Lez, Ala at Ellaine, kayo ang magbabantay sa triplets. Pumunta na kayo sa taas"

Tumango naman sila Hazel, Xeala at Ellaine.

Tumaas na sila sa hagdan.

"Ace, tawagan mo ang iba"

Agad naman sumunod sa utos ko Geaece.

Bumaba na si Thun kasama si B.

"B, nasaan na ang iba?" Tanong ni Thun

"Nasa paligid na sila ng bahay" sagot ni B

"Tombs, doon ka na sa kwarto" sabi ni Thun

"Hindi, ako ang pakay nila sa umpisa pa lamang. Hindi ako magtatago"

"Pero Tombs, buntis ka" sabi ni Thun

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Ara, kuhanin mo ang gamit ko" utos ko kay Xeara

Sumunod naman si Ara.

"Pumapasok na sila" sabi ni A na kakapasok sa bahay

"Baks, mas mabuti kung doon kayo sa labas"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon