Chapter. 12

222 7 1
                                    

Alice POV

"Ano ba?" Gulat kong sabi na makita si Thun dito sa loob ng kwarto ko

Sino ba naman ang matutuwa kung may mukha na naka-dungaw sa 'yo?

Kinuha ko ang kumot at tinakpan ang aking katawan bago umupo sa kama.

"Ang ganda mo pala kapag tulog"

"Ito 'yong unang beses na makita kita natutulog"

"Kasi 'yong time na may nangyari satin hindi na kita nakita pagkagising ko"

"Tell me Alice, Pagkatapos na may nangyari satin bakit mo ako iniiwasan?"

Nahalata niya 'yon?

"Anong gusto mo gawin ko pagkatapos na may nangyari satin?" Tanong ko

"Bakit hindi mo tinanong sa 'kin, kung bakit ko hinayaan gawin 'yon?"

"Dahil alam ko naman ang sagot" sabi ko

"Kung ganoon ay.. Ano ang sagot?" Tanong niya

"Lahat ng lalaki ay mapan-samantala, sinasamantala ang kahinaan ng mga babae"

"Sa ating dalawa ay matino ang isip mo ng mangyari 'yon habang ako naman lasing noon"

"Hindi ba pagsasamantala ang tawag doon sa ginawa mo?"

"Hindi, kaya ko ginawa 'yon ay dahil mahal kita" sabi niya

"Lumabas ka na" sabi ko

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon"

"Kahit na pinakulong mo ako dahil ang buong akala mo ay ako ang nag-sunog ng dalawang kompanya mo"

"Mahal pa rin kita at hindi 'yon magbabago"

Tumayo na siya sa upuan at binuksan ang pinto.

Bago siya lumabas sa kwarto ay may sinabi siya.

"Paghinanap ako nina Tren at Thom, paki-sabi na may pinuntahan lang ako"

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Hindi na ako ulit humiga sa kama. Naglinis ko ang kwarto ganoon rin ang aking katawan. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ang unang sinilip ko ay si Tren na mahimbing natutulog sumunod naman ay si Thom na mahimbing rin natutulog.

Pumunta na ako sa garden para doon mag-jumping rope. Na makarating ay iilang tauhan lang ni Thun ang nandito, nagsimula na ako mag-jumping rope.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagpahinga na rin ako. Inabutan ako ng isang katulong ng tubig at agad naman akong uminom.

Biglang pumasok sa aking isip ang sinabi ni Thun kanina.

"Hindi, kaya ko ginawa 'yon ay dahil mahal kita"

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon"

"Kahit na pinakulong mo ako dahil ang buong akala mo ay ako ang nag-sunog ng dalawang kompanya mo"

"Mahal pa rin kita at hindi 'yon magbabago"

Umiling-iling naman ako.

Mahal niya pa rin ako kahit na ilang beses ko siyang binusted.

Mahal niya pa rin ako kahit na hindi niya ako nakita, nakausap at nakasama na tatlong taon.

"Ma'am"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon