Chapter. 10

230 7 0
                                    

Thunder POV

"Dad" tawag sa 'kin ni Liza

"Miss ko na po si Mom"

"Di po ba sabi ninyo na triplets kami?"

"Oo" sagot ko

"Ano pong pangalan nila?" Tanong ni Liza habang kalong-kalong ko siya

"Tren at Thom"

Kinuha ko ang panyo sa ibabaw ng table at pinunasan ang pawis ni Liza dahil sa paglalaro namin.

"Papalitan na kita ng damit"

Sabay kami tumayo at magsisimula ba sana maglakad na may tumawag sa cellphone.

"Si Mamita na lang muna magpapalit sa 'yo"

"Sige po, Dad" sabi ni Liza at pumasok na sa loob ng bahay

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at sinagot ito.

Bold (ako) Italic (Abrian)

"Prince"

"Nahanap na namin ang mag-iina ninyo"

"Mag-iina?"

"Si Alice lang ang hinahanap namin pero napag-alaman namin na kasama ni Alice sina Tren at Thom"

"Nasaan na sila?"

"Nandito kami sa bahay mo"

"Kahapon pa sila nandito, hindi kita ma-contact kahapon"

"Bantayan niyong maigi sila, huwag ninyo hayaan na makatakas"

"Pumunta ka na dito Prince, baka kung ano-ano ang itanong ni Alice sa 'kin"

"Papunta na"

Pumasok na ako sa loob ng bahay, nakita ko si Dad nanonood ng movie sa sala.

"Dad, aalis po muna ako"

"Huwag ka na bumalik" sabi ni Dad habang patuloy lang sa panonood ng movie

"Si Liza po Dad paki-bantay"

"Oo na, sige na umalis kana inaabala mo ako sa panonood" sabi ni Dad

"Ilang beses mo na 'yan pinapanood Dad, hindi ka pa rin nagsasawa" sabi ko

"Ilang beses ka na rin bina-busted ni Alice, bakit hindi mo ibaling sa iba ang atensyon mo?"

"Ano ba Dad?" Inis kong sabi

"Biro lang umiinit agad ang ulo mo, siya umalis ka na"

Lumabas na ako sa bahay at sumakay na sa kotse. Na buksan ng katulong ang gate ay pinaandar ko na ang kotse.

Ilang oras sa pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa Quirino Province.

Nakarating na rin ako sa tapat ng bahay agad binuksan ng mga tauhan ko ang gate at pinasok ko ang kotse sa garahe, bumaba na rin ako.

"Nasa garden sina C. A at B binabantayan nila sina Tren at Thom sa paglalaro" sabi ni C. L

"Si Alice?"

"Nasa sala kausap nina A at E" sagot niya

Pumunta na ako sa garden para makita ang mga anak ko.

"Hello"

Sabay sila tumingin sa 'kin.

"Sino si Tren sa inyo?"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon