Chapter. 5

278 8 0
                                    

Alice POV

"Tren at Thom"

Niyakap ko sina Tren at Thom.

"Hindi ko alam na may bata dito" takang sabi ni Cloudy

Inalis ko na ang pagyakap sa kanila.

"Mommy, kailangan na po natin umalis dito" sabi ni Tren

"Tren, Bakit mo sinabi kay Mom? Ang bilin sa 'tin ay huwag sila paalisin" sabi ni Thom

"Sino sila?"

Nagkatinginan sila Tren at Thom sa sinabi ko.

"Shit" mura ni Cloudy

Pinaandar na ni Cloudy ang makina at dahan-dahan inatras.

"May humahabol sa 'tin"

Tumingin ako sa likod at doon ko nakita ang dalawang kotse at tatlong motorsiklo na patuloy lang sa pagsunod sa 'min.

"Kasama po namin sila Mom" sabi ni Thom

"Masasamang tao sila, gusto nila akong patayin"

"Kinulong nila kami Mom, sapilitan nila kami kinuha sa bahay ampunan ng gabing 'yon" sabi ni Tren

"Pinahihirapan nila kami Mom" sabi ng Thom

"Hindi nila tayo pwedeng makuha ulit"

"Yumuko lang kayo Tren at Thom"

Kinuha ko ang isang ko pang cellphone at sinaksak sa cellphone ang earphone.

"Isusuot niyo 'to"

Tig-isa sila at binigay ko kay Thom ang cellphone.

"Takpan niyo ang isang ninyong tenga gamit ang isang kamay"

"Huwag kayong tatayo at mauupo dito"

"Humawak kayo ng mahigpit sa gilid"

Tumango naman sila.

Tiningnan ko si Cloudy na busy sa pagmamaneho.

"Ako ang mag-mamaneho"

"Palit tayo ng pwesto"

"Hindi, pwede" sabi niya

"Huwag ka na makipag-talo sa 'kin Cloudy"

"Ako na ang mag-mamaneho"

Nagpalit kami ng pwesto ni Cloudy at ngayon ay ako na ang nagmamaneho.

"Nakita ba nila ang mukha mo? Cloudy?"

"Hindi" sagot niya

Mas pinahururot ko ang kotse, dumaan sa mga mararaming sasakyan.

"Tingnan-tingnan mo sina Tren at Thom, Cloudy" utos ko sa kanya

"Sige"

Tinawagan ko si Hazel sa cellphone na ginamit kong pantawag sa kanya.

Nilagay ko sa tabi ng manibela ang cellphone at ni-loudspeaker 'to.

"Madam" sabi niya

"Kailangan ko ng tulong ninyo"

"May humahabol sa 'min"

"Kasama ko sina Cloudy, Tren at Thom"

"Magpadala ka dito ng tauhan sa Quezon"

"Itrace mo ang cellphone ko"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon