Alice POV
"Mom, nag-away po ba kayo ni Dad?" Tanong ni Thom
"Hindi"
"Wala naman kami dapat pag-awayan"
"Pero, Bakit po hindi kayo tabi matulog ni Dad?" Tanong ni Liza
"Bakit po madalas ninyo kinagagalitan si Dad?" Tanong ni Thom
Isang linggo na ang nakalipas simula na matapos ang labanan dito sa bahay ni Thun.
Maayos na ang lahat ng mga gamit na nasira.
Magaling na rin ang sugat ko gayundin ang ibang mga tauhan.
Madalas kulang ang tulog ni Thun dahil kapag gabi ay may gusto akong kainin. Hindi siya uuwi hangga't wala siyang dala na pinabibili ko.
Kapag umaga ay ako mismo ang gumising sa kanya para mag-exercise.
Ang lagi kong pinapagawa sa kanya ay push-up habang nakasakay ako sa likod niya at nakahawak ako sa sando niya.
Wala naman magawa si Thun kung hindi sundin ang gusto ko.
Alam kong hindi siya sanay dahil noong pinag-bubuntis ko ang triplets ay wala siya sa tabi ko.
"Naglilihi ang Mommy ninyo"
"Naglilihi? Ano po 'yon?" Tanong ni Liza
"Parte 'yon ng pag-bubuntis"
"Sobrang hirap magbuntis"
"Naalala ko habang pinagbubuntis ko pa lang kayo sobrang hirap ako maglakad kasi ang laki ng baby pump ko"
"Sobrang sakit ng balakang ko noon"
"Hindi po ba kayo tinutulungan ni Dad?" Tanong ni Tren
Bakit ko pa nga ba binuksan ang tungkol doon?
"Malayo ako sa Dad ninyo at hindi niya alam na buntis ako"
"Bakit po?" Takang tanong ni Liza
"Noon kasi hindi ko siya mahal"
"Paano po kami na buo?" Tanong ni Thom
"Aksidente na may nangyari sa 'min ng Dad ninyo"
"Paglaki ninyo maiintindihan ninyo ang ibig kong sabihin"
"Pumunta na tayo sa sala paniguradong hinahanap na tayo nila"
Dahan-dahan ako tumayo at inalalay ako nina Tren at Thom. Binuksan ni Liza ang pinto at hinintay kami makalabas bago isarado ang pinto.
Na makarating kami sa sala ay tumayo si Thun at inalalayan ako.
"Triplets, maglaro na kayo doon sa garden kanina pa kayo hinahanap ng mga kalaro ninyo. Ako na ang bahala sa Mom ninyo"
"Tren, bantayan mo sina Thom at Liza"
"Yes po Dad" sagot ni Tren
Lumabas na silang tatlo sa bahay. Habang ako naman ay inalalayan ni Thun umupo sa sofa.
"Ang laki ng tiyan mo iha" sabi ni Tita Jackeelyn
"Sa tingin ko kambal 'yan" sabi ni Jane
"Parang isa lang 'yan, sadyang malaki lang ang baby pump" sabi ni Belle
"May punto si Belle, kaya ganoon din ang akin" sabi ni Stella
![](https://img.wattpad.com/cover/218646444-288-k835545.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Prince and I
Acción[Under Revision] J. B. S. A. E Series #4 Alice Cortez gusto ng simpleng buhay katulad ng mga kaibigan niya, ngunit kahit gusto niya ay hindi niya makakalimutan ang mga bagay na kinagisnan niya. Simpleng buhay ang hangad niya. Mamumuhay kaya siya n...