Chapter. 9

222 8 0
                                    

Alice POV

Na masinag ng araw ang aking mukha ay minulat ko ang aking mata.

Dali-dali ako umupo sa kama na mapansin ko na hindi 'to ang kwarto namin.

May kumuha nga pala sa 'min.

Umalis na ako sa kama, dumiretso ako sa C. R para maghilamos. Na matapos ay lumabas na ako sa C. R na pansin ko na nandito ang bag na dala namin nina Tren at Thom.

"Nasaan sina Tren at Thom?"

Kinuha ko sa loob ng bag ang toothbrush at colgate, bumalik ako sa loob ng C. R para magsepilyo. Na matapos ay lumabas na agad ako sa kwarto.

Nakita ko sina Tren at Thom na naglalaro sa sala. Agad ko silang pinuntahan at nakita ko si A na naka-dekwatro sa sofa habang pinapanood sina Tren at Thom.

Na makita ako nina Tren at Thom ay agad nila akong niyakap.

"Kumain na ba kayo?"

"Opo, Mom" sagot ni Thom

"Huwag kayong maglaro dito sa loob"

"Doon na lang po kami sa labas maglalaro, Mom" sabi ni Tren

"Hindi pwede"

"Sige na Tren at Thom sa labas na lang kayo maglaro" sabi ni A

Tumingin muna sila sa 'kin bago lumabas ng bahay.

"Bakit kami nandito?"

"Anong mapapala ninyo sa 'min?"

"Huwag mong sabihin na may atraso rin ako sa inyo o baka naman sa pinaka Boss ninyo?"

Tumayo naman siya habang naka-cross arm.

"Huwag kang mag-alala mapag-kakatiwalaan mo kami"

Dumating sina E, C. L at C. A.

"Hindi kati-katiwala ang mga mukha ninyo"

"Grabe ka naman mag-lait sa 'min" sabi ni E

"Totoo pala ang sinabi ni Prince sa 'tin na palaban ka Alice" sabi ni C. L

"Sino si Prince?"

"Kumain ka muna, makikilala mo rin siya" sabi ni A

"Kami na ang magbabantay kina Tren at Thom" sabi ni E

Pumunta ako sa hapag-kainan at may nakahandang pagkain na. Umupo ako sa upuan at nagsimula na kumain.

Hindi ba talaga sila masasamang tao?

Na matapos sa pagkain ay pumunta ako sa garden kung nasaan sina Tren at Thom.

Nakita ko na may kausap silang dalawa na lalaki.

Iba ang suot niya sa suot ng mga tao dito.

Iisa lang ang suot na istilo at kulay ng mga lalaki habang ang mga katulong ay iisa rin ang kulay pero magkaiba ang istilo ng suot nila sa mga lalaki.

"Mommy" sigaw ni Tren at tumakbo papunta sa 'kin

Agad ko naman siya niyakap sumunod naman si Thom.

Hindi rin nagtagal ay inalis ko na rin ang pagyakap sa kanilang dalawa.

"Mom, Si Dad po ba hindi niyo yayakapin?" Tanong ni Thom

Dad? Si Thun? Si Thun naman ang ama nila.

"Wala ang Dad ninyo dito"

"Nandito"

Mafia Prince and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon