Kabanata 6

971 34 0
                                    

WALANG imik sina Hero at Alexilia umuwi, samantalang muli bumalik sina Skeira at Zevious sa kompanya ng binata.

"Ba't sinabi 'yon ni Hero kay Winter? May gusto ba siya roon?" tanong ni Skeira ngunit hindi naman siya sinagot ni Zevious.

Nasa isang pribadong opisina sila na tanging mga royals lang ang makakapasok, napapaligiran ito ng mahika na gawa ni Skeira upang proteksyonan kung sino man ang nasa loob, upang walang makapasok at makarinig ng kanilang pag-uusap.

"Or, he's making you jealous?" dagdag pa nito sa sariling haka-haka.

Marahas na bumuntong-hininga si Zevious at sinuklay ang kulay lupa nitong buhok.

"Honestly, I don't know," buntong-hininga nito. "If he's trying to make me jealous, then, he failed. I'm not a jealous type of guy," ngiwi nito.

Mahinang natawa si Skeira at napa-iling. "Really, huh?" Sinamaan siya ng tingin ng binata na ikina-bungisngis niya. "Okay," nagpipigil ng tawang usal nito at umaktong isinasara ang labi.

"But, have you noticed what Winter said to Xilia?" Zevious uttered.

Kumunot ang noo ni Skeira at humikab. "Hindi eh," ngiwi nito. "Ano ba 'yon?"

Nilingon siya ni Zevious "It's about her mate."

"Baka nagkataon lang at gusto lang din mang-asar?"

Nagkibit-balikat si Zevious at ngumiwi. "Why we're even talking about them?"

Skeira grinned, giving Zevious a teasing-look. "Yieee! Si boss selos!"

"Ulap!" Malakas na natawa si Skeira at naiiling na tumayo. "Oh, siya, una na ako, boss."

Lumabi si Zevious at nagmakaawang tinignan si Skeira. "Please, accompany me?" Mariin, ngunit natatawang umiling si Skeira. "Sorry, boss," then, she winked. "I'll call Ma'am Xilia for you."

"Ulap!" Zevious whinned.

Skeira looked at her with her amused face. "What?"

Zevious glared at her making her chuckle. "Sige, si Winter na lang."

Sumimangot si Zevious lalo na mas ikinahalakgak ng dalaga. "Sige, sige," Skeira bit her lower lip to contain her laughters. "Una na ako, boss."

Muli siyang sinamaan nang tingin ni Zevious na ikinabungisngis niya at tahimik na nilisan ang kinaroroonan.

Gamit ng sariling sasakyan, nagmaneho pauwi si Skeira at nang maka-uwi siya, sobrang tahimik ng kabuohang bahay at nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam. "Skeira." Halos mapatalon siya sa gulat nang mula sa likuran niya ay may nagsalita.

Matunog itong napalunok at unti-unting nilingon ito. Gano'n na lang ang paghugot niya nang malalim na hininga nang makita ang kaniyang Lola Calixta. "La..." bati nito rito.

Bumuntong-hininga si Calixta at iminuwestra ang kamay upang sundan siya ng apo. Kaagad naman tumalima si Skeira at abot kalangitan ang kaba habang nakasunod sa kaniyang lola.

Deretso mula pintuan ay ang pinto papunta sa likod-bahay. Naroon ang malawak nilang pananim maging ang kuweba kung saan may paliguan.

"I heard about what happened earlier," usal ni Calixta. Hindi maiwasan ni Skeira makaramdam ng pagka-ilang at kaba sa uri ng pananalita ng sariling lola. Malamyos ito tila hinehele ang kausap, parang hipnotismo papunta sa kadiliman.

"Winter Frost... is she the messenger of our Empress and Emperor?" Tumango si Skeira at nanginginig ang boses na sumagot, "opo..."

"Natunugan ito ng mga nakatataas," buntong-hininga nito. "Kakausapin nila si Winter upang alamin kung ano ang ibigsabihin niya tungkol sa taong itinakda para kay Alexilia."

Unknown LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon