"WHY IS SHE TAKING SO LONG?" kunot ang noong usal ni Raide at bahagyang umigting ang kaniyang panga.
"Kapag hindi pa pumunta rito si Skeira makalipas ng limang minuto, pasensyahan na lang tayo, bro, pero susugod na kami roon," usal ni Zevious at humalukipkip.
Hindi naman sumagot si Hero samantalang nanahimik naman si Alexilia. Bago pa lumagpas limang minuto, unti-unti nilang nakita ang papalapit na bulto ni Skeira. Napaayos ng tindig ang apat at sinalubong ito.
"Sky..." usal nilang lahat na ikinagulantang ni Skeira.
"A-ano...sorry kung natagalan ako, medyo mahiwaga kasi ang bahay ni Winter," kamot-ulong paliwanag nito.
"Mahiwaga?" takang tanong ni Zevious. Alanganin namang tumango si Skeira at napatingin kay Hero.
"Puwede ba sa hq tayo? May nakita kasi ako."
Tumango si Hero sa kanila at kaagad silang pimalibutan ng kukay abong usok na inihatid sila sa loob ng kanilang headquarters.
"What is it?" tanong ni Hero kay Skeira matapos nila umupo.
Dahan-dahan at puno ng pag-aalangan na kinuha ni Skeira ang litratong nakuha mula sa bahay ni Winter. Maingat niya ito inilapag sa gitnang bahagi ng babasaging maliit na mesa sa gitna nila at lahat sila ay napatunghay rito.
"Who is she?" gilalas ni Zevious at bahagyang umawang ang labi. "She's...like a goddess."
"She is," pagsang-ayon nina Raide at Alexilia rito.
"What's the meaning of this, Skeira?" tanong ni Hero rito at bahagyang nagsalubong ang kaniyang kilay. "Did you just steal something from Winter?"
Matunog na napalunok si Skeira at hindi mapigilan makaramdam ng takot sa tono ng boses ni Hero. Istrikto ito at mukhang handa na siyang sugurin kung hindi man magustuhan ng binata ang isasagot niya sa tanong nito. Napasulyap si Alexilia sa tatlo pang kaibigan at sabay-sabay silang bumuntong-hininga.
"Skeira did a great job. This is like hitting a two birds with one stone," untag ni Alexilia na nakaagaw ng pansin ni Hero.
"What?"
Tinaasan siya ng kilay ni Alexilia. "What?" At umismid ito. "Have you forgotten that it was you who include Winter's name to know about her since you find her interesting?"
"Pero, wala akong sinabi na kuhanan niyo sa ng mga mahahalagang bagay," katwiran ni Hero na nagpasalubong ng kilay ni Raide.
"Isn't the same?" untag nito. "Something is up on Winter. Her mystery thay we have to know. And this picture," itinuro nito ang litrato, "just added her mystery."
Natahimik si Hero at nag-iwas ng tingin.
"Don't tell me, Hero, you just include Winter's name for your own sake?"
"What?" he tsked. "Of course, not."
"Then, why are you fussing about to Skeira stealing some clues that might lead us to Winter's identity?" takang tanong ni Zevious at ngumisi. "Are you scared that she might be not the one?"
"What the heck?!" inis na usal ni Hero at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Huh? The one?" takang tanong ni Alexilia at nagpalipat-lipat ang tingin kina Hero at Zevious. Nanatili namang tahimik sina Raide at Skeira sa isang tabi.
"Don't tell me...umaasa ka rin na katulad ko, na si Winter ang nakatakda para sa'yo?" ngising usal ni Zevious at prenteng sumandal sa kinauupuan.
"What the fuck are you talking about?"
BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampiriIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...