Hindi alam ni Winter kung paanong nakayanan niya pang makapagtrabaho matapos magbigay ng dugo kay Hero. Para siyang lumulutang sa kawalan ng lakas ngunit ang kaniyang katawan ay panay pa rin ang pagkilos sa naaayong trabaho niya.
"Winter!" masiglang bati ni Jiane rito at mahigpit itong niyakap na ikinangiti nina Luxiel at Harlio na tahimik na nanonood sa dalawa.
Mahinang bumuntong-hininga si Winter at yumakap pabalik kay Jiane. "Hey..." bulong nito at kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan at bumaling sa impératrice at empereur.
"Hi." And she glance on Luxiel's baby bump. "You should announce about your pregnancy, Impératrice," she said.
Marahan na tumawa si Luxiel at tumango. "I will, tomorrow."
Tipid na tumango si Winter at bumaling kay Jiane. "Let's go?"
"Uuwi na tayo?" gilalas ni Jiane. Tumango si Winter at pinigilan ang paghikab.
"Oh, okay," ani Jiane at bumaling kina Harlio at Luxiel. "Una na po kami," aniya at mababaw na tumango.
Ngumiti ang dalawa. "Take care of yourselves," usal ni Harlio at ngumiti naman si Jiane.
"Laire," tango ni Harlio kay Winter na itinaas lang ang parehong kilay bago hinayaan sakupin sila ng kaniyang usok at idinala sila sa kaniyang bahay.
"Luxiel and Harlio gave me these." Napalingon si Winter kay Jiane na bahagyang itinataas ang dalawang basket na naglalaman ng mga gulay, prutas at ilang sahog pang-luto.
"Hmm...are you going to cook?" tanong ni Winter at isa-isa hinubad ang damit maliban sa puting shirt na umabot sa kaniyang tuhod.
Mahinang natawa si Jiane at naiiling na niligpit sa kusina ang mga ibinigay sa kaniya nila Luxiel. "You're still fond of long shirts, huh?" ani Jiane at sinulyapan si Winter na ngayon ay nakapajama na.
"Mm-mm." Umupo si Winter sa kaniyang malapad na kama.
"What are you going to cook?" tanong nito kay Jiane na kasalukuyan na naghahanda ng lulutuin.
"Hmm, you want tinola?"
Winter automatically smiled and nodded. "That would do," sagot niya at pabagsak na nahiga hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Maingat na pinitas ni Eliaze ang bulaklak at nakangiting inamoy ito bago inilagay sa basket na nakasuot sa kaniyang bisig at patakbong pumasok sa kanilang bahay.
"Mamang!" masiglang bati niya sa kaniyang kaibigan at ipinakita ang mga bulaklak na kaniyang nakuha. Iba't ibang kulay at humahalimuyak sa bango.
"Pumitas ka na naman, Eliaze?!" nanlalaki ang mga matang tanong ng dalagitang tinatawag niyang mamang.
Humagikgik si Eliaze at tumango. "Ibibigay ko ito sa kaniya."
"Lalaki siya, at bampira. Hindi mahilig ang mga bampira sa mga bulaklak, Eliaze," pabuntong-hininga at naiiling na usal ni Mamang.
Ngumisi si Eliaze at umiling. "May iilan akong kakilala na bampira na mahilig sa bulaklak."
"Pero, hindi si Lucas."
Sumimangot si Eliaze at pinakatitigan ang mga bulaklak. Tumalikod naman si Mamang at bumalik sa pag-aayos ng mga plato na katatapos lang hugasan.
"Kahihiligan niya rin ang mga ito," bulong niya at unti-unti sumilay ang ngisi sa labi. "Dugo ko ang sagot."
"Tigilan mo 'yan, Eliaze," babala ni Mamang at bahagyang nilingon ang kaibigan. "May nakatakda na para kay Lucas. Mahirap labanan ang nakatakda. At kahit sabihin mong sa huli, matatanggap mo ito, imposible iyon para sa'yo."
BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampirIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...