THEY WERE ALL frozen on their spot and their mouths are all parted in astonish. It happened so fast that they don't even know if it really happened or they are just imagining things.
"W-what race eyes turned into purple?" Zevious stuttered and glance at his friends who's looking at Winter Frost.
"W-wala ata?" Skeira answered him, still looking at Winter.
Zevious stare at Winter's sleeping face intently. "Who are you, Winter Frost?" he asked even no one would answer.
They are all curious about Winter. Who wouldn't be? She just came from nowhere everytime they will need her, and now, her state is really confusing.
What makes you tired that no one or a thing can heal you? Zevious said on his thoughts.
"What can we do?" tanong ni Raide kay Samantha na nasa bisig niya.
Natigilan si Samantha at napasulyap kay Winter. "We need a lukewarm water and a clean towel to balance her body's temperature."
Tumango si Skeira at bumaling kay Zevious. "Boss..." 'ayon lang ang sinabi niya ngunit kaagad na naintindihan ni Zevious at nagteleport na sila.
Bumaling si Alexilia kay Hero at bahagyang tumikhim upang kuhanin ang atensyon nito. Hindi ito lumingon, ngunit alam ni Alexilia na nasa kaniya na ang atensyon ni Hero.
"Iuuwi na muna namin si Samantha. Ipapaalam na rin namin ito sa Impératrice at Empereur," aniya at sinulyapan si Winter. "Ikaw na bahala kay Winter."
Ilang segundong pinakiramdaman ni Alexilia si Hero at nang mapansin niyang wala itong balak na magsalita, tumalikod na siya.
"Take care of yourselves." Dinig niyang usal ni Hero ngunit hindi na siya lumingon pa at hinawakan na si Raide sa balikat upang magteleport sa Archer's Palace.
WALANG KATAO-TAO sa loob ng tahanan ng mga Marco. Hinuha ni Skeira, lahat sila ay may pinuntahan upang sa nalalapit na kabilugan ng buwan. At bukas na iyon. Kinakabahan siya. Delikado ang katulad ni Winter sa labas ngunit sa hindi malaman na dahilan, nagpaulit-ulit sa kaniya ang sinabi ni Winter sa kanila tungkol sa kabilugan ng buwan.
'Walang mangyayari. Isang normal na araw lamang iyon. Kaya ba gano'n na lang siya kahina ngayon?' anito sa isipan.
'Eh, bakit naman siya manghihina? Hindi ba malakas ang mga nilalang na bampira at iba pang nilalang sa t'wing kabilugan ng buwan? O dahil hindi naman talaga siya bampira?'
"Don't panic, Sky."
Napalingon siya kay Zevious na prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan sa may likod-bahay nila.
"As what I can feel from Winter, she's healing on her own. The problem is, she was badly injured."
Humugot nang malalim na hininga si Skeira at napahawak sa kaliwang dibdib niya. "Normal lang ba na maramdaman 'yong nararamdaman niya kahit wala akong kakayahan sa gano'n?" nalilitong tanong niya at gulat na napatingin si Zevious sa kaniya nang mapagtanto na isang mangkukulam si Skeira. Ang tanging alam lang nitong gawin ay ang kontrolin ang hangin at gumawa ng mahika at magsumpa gamit ng mahika.
"N-naramdaman mo rin ang nararamdaman niya?" gulat na tanong ni Zevious nito at pabuntong-hininga naman tumango si Skeira habang marahan na hinahaplos ang kaliwang dibdib, tila pinapakalma ang naghuhumerentado nitong puso.
"Kailangan na talaga natin alamin kung sino ba talaga siya," desididong usal ni Zevious.
Sumangayon si Skeira sa kaibigan. Kailangan na nilang malaman kung sino ba talaga ang dalagang kanilang kinakaibigan. Ang katauhan ni Winter ay isang malaking katanungan para sa kanila. Ngunit, inaalala pa rin ni Skeira ang sinabi ni Winter patungkol sa nalalapit na kabilugan na buwan.

BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampireIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...