Unedited
---
NAKANGITING tinanaw ng isang dalagang mangkukulam na mayroong kulay pilak na buhok ang kaniyang kasintahan hindi kalayuan sa kaniya.
Kapwa sila nakasuot ng pormal na damit sa kanilang mundo. Balabal, mahabang bestida sa kababaihan. Balabal, polo na may mahabang manggas at slacks naman sa kalalakihan.
"Lucas!" pagtawag nito sa kasintahan na nakatalikod sa kaniya habang nakatingala sa kalangitan. Ang kulay itim nitong buhik ay bahagyang tinatangay ng hangin maging ang suot-suot nitong balabal na lumagpas hanggang tuhod niya.
Hinawakan ng dalaga ang kaniyang palda at marahan itong inangat bago tumakbo palapit sa kasintahan. Nang makalapit siya sa kasintahan, binitawan niya ang kaniyang palda at niyakap ito mula sa likuran. Nakangiti siyang dinungaw ni Lucas.
"Love..." bati nito at mababaw siyang hinalikan sa kaniyang labi.
Ngumiti nang napakalawak ang dalaga at humarap kay Lucas. "Pasiyensya ka na at nahuli ako. Nalaman kasi ni Acel na nakikipagkita ako sa'yo," anito at sumimamgot, "alam mo naman...ayaw ni Acel na mabahiran ang dugo ng magmamana sa aking puwesto," buntong-hininga nito.
Ngumiti si Lucas at marahang tinapik ang ulo ng kasintahan. "I know..."
Bumuntong-hininga ang dalaga at masuyo siyang niyakap. "Should I step down?" tanong nito at umangat ang kaniyang tingin sa maaliwalas na kalangitan.
"Hmm?"
Bumaling ang dalaga kay Lucas at sinapo ang magkabilang pisngi nito. "I'm tired saying it's fine, when it's really not, Lucas."
Matiim na tinignan ni Lucas ang kasintahan at hinawi ang iilang hibla ng buhok nito sa mukha.
"Soon, Lucas...you'll meet your mate. And that's what scares me the most," aniya at nagbaba ng tingin. Ang kamay nito na kanina ay nasa magkabilang pisngi ng binata, ngayon ay nakapahinga sa magkabilang balikat nito.
"And I regretted that." Nag-angat ito ng tingin. "Mating you with other girl when I can mate myself to you."
Nangilid ang luha sa kulay asul na mata ng dalaga at nagbaba ng tingin. Napabuntong-hininga si Lucas at hinawakan ang baba ng kasintahan upang i-angat ang mukha nito.
"Look at me, Eliaze," marahang usal nito habang hinuhuli ang mata ng kasintahan.
Pabuntong-hininga naman na sinalubong ni Eliaze ang kulay abong mata ni Lucas. Puno ito ng pagmamahal, ngunit paano na lang kung makita nito ang babaeng nakatakda sa kaniya? Paniguradong makakalimutan niya rin ang dalaga.
"I love you. Hear me? I love you," marahang usal nito ngunit imbis na makaramdam ng kaginhawaan si Eliaze, mas lalo lang siya nangamba.
Mabagal na nahulog ang kaniyang luha mula sa kaniyang mata. Nanginig ang kaniyang labi. Suminghap siya ng hangin at nag-iwas ng tingin. "Hanggang kailan, Lucas?"
IDINILAT NI Skeira ang kaniyang mga mata at dahan-dahan na napa-upo sa kaniyang kama. Hindi lang iyon panaginip. Sigurado siya roon. Isa iyong parte ng nakaraan base na rin sa paligid kung asaan ang dalawang magkasintahan.
Ilang minutong nakatulala si Skeira sa kawalan hanggang sa may mapagtanto siya sa kaniyang napanaginipan.
"Eliaze..." bulong nito at sumandal sa headboard ng kaniyang kama. "Lucas..." mahinang usal nito at napalingon sa bintana sa kuwarto niya.
Kita niya ang gasuklay na buwan na napapalibutan ng mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Ngunit isang anino ng babae ang siyang nakapukaw sa kaniyang atensyon. Napa-ayos ng upo si Skeira at napalunok. Napakurap siya at nang maimulat niya ang kaniyang mata, wala na ang anino ng babae roon. Tumaas ang kaniyang balahibo at dali-dali lumapit sa bintana upang iharang ang kurtina nito.

BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampirIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...