MARAHAN NA umupo si Winter sa kahoy na upuan at sinulyapan si Alexilia na nakatanaw sa kawalan. Mahina siya tumikhim at tumanaw rin sa kawalan.
"Bakit..." buntong-hininga ni Alexilia at umiling, "bakit kailangan ito mangyari sa amin?"
Nilingon niya ang kaibigan at binasa ang sariling labi bago nag-angat ng tingin sa kalangitan. "Everything happens for a reason."
"Yeah! Right!" biglang sigaw ni Alexilia na bahagyang ikinangisi ni Winter, "everything happens for a reason! I always hear that! But—"
"But it confuses you," pagpapatuloy ni Winter sa sasabihin ni Alexilia.
Marahas na bumuntong-hininga si Alexilia at pekeng humagulgol. Naibaling ni Winter ang kaniyang paningin kay Alexilia at napangiwi.
"I regret having a vampire blood!"
"I bet, you don't," ani Winter at tumayo na. "I'll go ahead."
Masama ang tingin ang ipinukol ni Alexilia sa papalayong bulto ni Winter at nang hindi niya na ito masilayan, may napagtanto siyang isang bagay.
"Bakit parang madalas na lang siya mag-teleport?" tanong niya sa sarili at napabuntong-hininga. Bumaling siya sa kalangitan at malakas na sumigaw.
"I hate this world!"
MALALIM NA bumuntong-hininga si Zevious habang pinapakiramdaman ang kumikirot niyang puso. She's hurting. Bulong niya sa kaniyang isipan at muling napabuntong-hininga. What should I do know? Who I should approach for an advice?
"Kuya."
Mabagal at pabuntong-hininga na bumaling si Zevious sa kapatid at tipid ito ni-ngitian. "Yes?"
Pinakatitigan ni Zeilyx ang kapatid bago umupo sa tabi nito at pasulyap-sulyap dito. Ramdam niyang may dinadamdam ang kapatid niya, ngunit hindi niya alam kung dapat bang may alam siya sa problema nito o wala bilang respeto.
"You're making me uncomfortable with that kind of stares, Zei..."
Umawang ang labi ni Zeilyx at tumikhim na nag-iwas ng tingin. "Kuya..." mahabang pagtawag nito kay Zevious at muling sinulyapan. "Do you..." tikhim niya, "...have a problem?"
Natigilan si Zevious at malalim na humugot ng hininga kapagkuwan. "Yeah," tango nito at malungkot na sinalubong ang nag-aalalang tingin ng kapatid.
"Me and Alexilia are not in good terms."
Nanlaki ang mata ni Zeilyx at kahit na gusto niyang biruin ang kapatid dahil madalas naman sila magtalong dalawa ni Alexilia, itinikom niya ang sariling bibig. Sa emosyon na naglalaro pa lang sa mata ni Zevious, alam niya nang malala ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa.
"Hmm?"
"We...had a big fight...a serious fight," bakas ang lungkot na usal ni Zevious at hindi naman mapigilan ni Zeilyx makaramdam ng lungkot para sa kapatid kaya't isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito at niyakap ito mula sa tagiliran.
"Magiging ayos din kayo," pagpapagaan niya sa saloob ng kapatid.
"Paano kung hindi na?"
"Kuya!" asik nito at sinamaan siya ng tingin, "think positive! Ilang taon na kayo magkaibigan ni Ate Xilia, tapos masisira lang dahil sa isang away lang?"
"Hindi naman ito ang unang beses na nag-away kami, Zei."
"Still, kuya. Still," mariing usal ni Zeilyx at marahang lumayo kay Zevious. "Those fights you had with her is just friendly and because of petty reasons. Ito — itong away niyo ngayon, malalagpasan niyo rin."
BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampireIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...