"ATE WINTER!"
Mula sa librong binabasa, nag-angat nang tingin si Winter sa papalapit na si Samantha Leah. Mariin nitong ipinikit ang mata at marahas na bumuntong-hininga. Dalawang araw na nang makalipas ang una nilang pagtatagpo, at sa dalawang araw na 'yon, hindi pumalya ang bunsong Archer na bisitahin siya.
"What?" masungit at naiinis na tanong ni Winter dito.
Humagikgik si Samantha at umupo sa harapan ng dalaga. "Wala po!" 'Ayan ang lagi niyang dahilan sa t'wing tatanungin siya ng dalaga kung bakit siya nito pinupuntahan.
Napa-iling si Winter at bumalik sa pagbabasa.
"Winter!"
Hindi nilingon ni Winter ang mga tumawag sa kaniya. Habol-habol naman ang hininga na huminto si Skeira at halos sumalampak sa lupa. "Winter..." mahabang tawag ni Skeira rito. "Binubulyo nila ako!" asik nito at tinuro sina Alexilia at Zevious na tatawa-tawa.
Tumayo si Samantha mula sa pagkaka-upo sa harapan ni Winter at lumapit kay Skeira. "Ate Ulap, bakit po?"
Ngumuso si Skeira at sinulyapan si Winter na patuloy pa rin sa pagbabasa. "They run," sumbong nito kay Samantha na unti-unti siya niyayakap, kaagad naman nakaramdam ng kaginhawaan si Skeira.
"Winter?" tawag ni Alexilia rito. Sinulyapan lang siya ng dalaga at bahagyang tinaasan ng kilay. "Nakaka-abala na ba kami sa'yo?" Lahat sila ay napatitig dito. Walang emosyon ang mukha niya habang nagbabasa ng libro. "Hindi," tipid na sagot nito.
"Nagtatagalog ka pala?" biglang untag ni Skeira.
Mahinang natawa si Zevious. "Siyempre naman, ulap! Isa siya sa amin, noh!"
Matunog na napangisi si Winter na ikinagulantang nilang lahat. Kumunot ang noo ng dalaga, nagtataka. "What?" pasiring na asik nito, naiinis na para bang masiyadong malaking bagay lahat ng reaksyon na gagawin niya.
Pekeng umubo si Skeira at nakangiting sinulyapan si Samantha. "Salamat, Sammy."
Gumanti naman ang ngiti ang bata at umalis sa pagkakayakap kay Skeira. "Isa siya po sa atin, Kuya Zevy?" baling nito kay Zevious. "Eh, ano naman po connect no'n sa pag-speak niya ng tagalog?"
Malakas at nakakainsultong tumawa si Alexilia at binatukan si Zevious. "Tignan mo!" malakas nitong usal, "mas matalino pa sa'yo si Samantha!"
Lumabi si Samantha at sinulyapan si Winter. "Ate Frost?" Natigilan si Winter at pasimpleng sinulyapan ito. Nang walang makuhang tugon si Samantha rito, nagpatuloy siya sa pakay niyang itanong, "Are you a vampire?"
Humupa ang tawa ni Alexilia at napatitig kay Winter, gano'n din sina Skeira at Zevious, naghihintay sa kasagutan ng dalaga.
Isinara ni Winter ang librong binabasa at ibinaba bago tuluyan hinarap ang bunsong Archer. "No..." tipid na ngiti nito at ginulo ng bahagya ang gintong buhok nito. "I'm not a vampire, nor a hybrid," paglilinaw nito.
"Then, what are you?" tanong ni Alexilia, nakakunot ang noo at kung saan-saan lumilipad ang utak dahil sa rebelasyon na sinabi ni Winter tungkol sa pagkatao niya.
"I'm just..." Lumawak ang pagngiti ni Winter at nakayukong umiling, "... a messenger," dagdag nito at bahagya pang natawa.
Sabay-sabay silang napa-'uh', maliban kay Samantha na inosenteng nakatitig sa maamong mukha ni Winter Frost. "Meaning, you're human?" bulalas ni Skeira at napatakip pa sa bibig animo'y gulat na gulat.
Mahina muling natawa si Winter at umiling. "A sorceress?" tanong naman ni Zevious.
"Nope," ani ni Winter.
BINABASA MO ANG
Unknown Lady
VampireIn Hexelio World, Vampires have their own myths. They are not allowed to disobey the Goddess of Love, who is assigned to mate them with someone. But even though they are with their 'beloved', their minds is not at peace, their heart is aching. And t...