Kabanata 13

744 31 4
                                        

This is the last update for today. I don't know when will be the next. Stay tuned!

***

SINAPO ni Zevious ang kaniyang dibdib, tumitibok ang kaniyang puso ngunit may kasamang kirot. Hindi niya maiwasan mag-alala. Hindi niya kilala kung sino ang itinakda para sa kaniya, at ang kaniyang nararamdaman ay isang indikasyon na nasasaktan ang kaniyang tanging iibigin, sinasabay ang pagkirot ng bawat pagtibok ng kaniyang puso. Gustuhin niya man magpunta sa kung asaan man ang itinakda para sa kaniya, hindi niya naman alam kung asaan ito maging ang katauhan nito.

"Kuya?" tawag ni Zeilyx sa kapatid at sinilip ang mukha nito. Kumunot ang noo niya at kumaway sa harapan nito. "Kuya?" muling pagkuha nito sa atensyon ng nakatatandang kapatid ngunit tulala pa rin ito habang sapo-sapo ang dibdib.

Umayos ng tayo si Zeilyx at humalukipkip sa harapan ng kapatid. "Kuya!" tili nito na ikinaalarma ni Zevious. Sa gulat, napatayo ito at kinarga ang dalagang kapatid.

"K-kuya! Ano ba!"

"What happened?! What happened?!"

Malakas na natawa si Zeilyx at pinalo ang balikat ng kapatid. "Put me down, kuya! Nothing happened!" natatawang usal nito.

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Zevious, nagtataka. Pinigilan ni Zeilyx na matawa at umiling na lang siya. "P-put me down po..." ani na sinunod naman ni Zevious kahit na nagtataka.

"What happened?" kunot-noong usal ni Zevious sa kapatid. "Why did you shout?"

Kinagat ni Zeilyx ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang malakas at sinalubong ang tingin ng kapatid. "I—prfft!" Tumalikod si Zeilyx sa nagtatakang si Zevious at tumawa ng walang boses at nang muli niyang harapin ang kapatid, namumula na ang kaniyang pisngi maging ang leeg at halata ang pagkabasa ng mata.

"I was calling you, pero napakalalim talaga ng iniisip mo, kuya, that I have to make a move to wake you up from your reverie."

Humalukipkip si Zevious at tinaasan ito ng kilay. "So...tatawa na ako?"

"Kuya!" simangot ni Zeilyx at pinalo ang braso ng kapatid.

Zevious rolled his eyes and puffed up a breathe. "I'm thinking about my mate, Zei..."

Tumaas ang kilay ni Zeilyx at kahit pa interesado siya sa babaeng nakatakdang mamahalin ng kapatid niya, ayaw niya muna magtanong nito tungkol sa mate niya. She's afraid to lose her brother. She's afraid that the bond she have with Zevious will vanish the moment he laid his eyes on his mate.

"Walang nagtanong," mataray na sagot nito at tuluyan nang tinalikuran ang kapatid. Napabuntong-hininga si Zevious at pinanood niyang mawala ang kapatid niya. Katulad niya, natatakot din siya kung sakaling makilala na ng kapatid niya ang itinakda para rito. Ngunit hindi naman iyon magiging sapat para mawalan sila ng oras sa isa't isa. May magbabago man, pero ang pagiging magkapatid nila ay hinding-hindi magbabago. Whatever happens, Zevious and Zeilyx are ready just to protect each other. Their family.

Ipinilig ni Zevious ang kaniyang ulo at muling tinanaw ang kalangitan, at 'ayon na naman ang pagkirot ng kaniyang puso. "Damn it..." mahinang mura nito at yumuko.

Humugot nang malalim na hininga si Zevious bago dumiretso sa hapag-kainan nila at nakisalo sa kaniyang pamilya. Naging masaya ang ilang sandali niya ngunit nang mawala sa paningin niya ang magulang maging si Zeilyx, nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso. Natulala si Zeilyx at naghanap ng posibleng paraan upang makilala niya o masilayan man lang ang itinakdang para sa kaniya. Sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Skeira sa kaniya no'ng unang beses na maramdaman niya ang pagtibok ng kaniyang puso, ngunit katulad ng kay Hero, hindi ito naririnig ng kahit na sino bukod pa na panandalian lamang ito.

Unknown LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon