Kabanata 4

1K 39 0
                                    

"Is she out of her mind?" Zevious mumured. Nagkibit-balikat si Alexilia at tinapos ang pagkain ng burger.

"Ang ganda niya pero, nababaliw na ba siya?" muling tanong nito.

Sinulyapan ni Alexilia ito bago nilingon sina Raide, Hero at Skeira na pare-parehong tahimik. "What do you think?" They heard Zevious.

"Siguro...nababaliw na talaga siya?" puno nang pag-aalinlangan na usal ni Skeira at nangalumbaba sa lamesa.

Sila-sila na lamang ang natira sa loob ng kuwarto kung saan ginanap ang pagtitipon. The councils left with the Empress and Emperor, while the representatives decided to go back to their respective areas.

"Paano niya nagawang sabihin 'yon nang gano'n kadali?" Skeira asked and looked at Zevious who has this unexplainable look on his face.

"Same thoughts, ulap."

Hindi pinansin ni Skeira ang pagtawag ni Zevious sa kaniya ng 'ulap'. Para saan pa? Sanay na rin naman siya.

Tumango si Skeira at binalingan si Alexilia na wala pa ring tigil sa pagkain ng burger at fries. "Baka tumaba ka niyan."

"Walang bampira na mataba," ngiwing usal ni Alexilia.

Ngumuso si Skeira at sinulyapan ang maliit na tiyan ngunit may baby fats na nakatago. "I envy you," nguso nito.

Mahinang tumawa si Alexilia at nilingon siya. "Hindi naman halata at-" sinulyapan nito ang tiyan ni Skeira at nag-angat nang tingin sa dalaga. "-madadaan pa 'yan ng limang linggong exercise," tango-tangong usal nito.

Mas humaba ang pagkakanguso ni Skeira lalo na nang mangibabaw ang tawa nina Raide at Zevious. "Nako! Abala 'yang si Ulap para sa akin kasi trina-trabaho niya miski trabaho ko at ng iba!"

"H'wag mo siyang paasahin, Alexilia, kapag 'yan nag-ehersisyo ng limang linggo at walang nangyari baka sisihin ka pa," aniya ni Raide.

"Hoy!" sita ni Skeira sa dalawa at lumabi. "Napaka-pasmado ng mga bibig niyo, hampasin ko kaya?" nanlalaki ang mga matang usal niya.

Mahinang natawa si Alexilia bago binalingan si Hero na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Matapos itong kindatan ng mensahera ng Empress at Emperor, hindi na 'to naka-imik pa. Ang pamumula ng tenga't pisngi ay naroon pa rin na siyang ikinahanga ni Alexilia.

Kahit kailan hindi ko pa nakikita itong mokong na 'to kiligin, ngayon pa lang.

"You seems bother, wanna talk about it?"

No response.

Alexilia sighed and shook her head before moving closer to Hero. "Hello?" she waved her hand in front of him, but Hero remained frozen on his spot.

"Wala na," bulong ni Alexilia at nilingon ang tatlo. "Hindi na ako mahal nito," aniya at tinuro si Hero.

Mabilis na nilingon ni Skeira si Zevious na nag-iwas nang tingin, samantalang tumawa naman nang mahina si Raide at tumayo sa kinauupuan. "Hindi ka naman niya talaga mahal," walang pakuda-kudang usal nito kaya malakas siyang nahampas ni Alexilia at inismiran.

"Hey, Hero." Raide tapped his shoulder. "I'll call Leigh for you." At doon pa lang nag-angat nang tingin si Hero.

Balik sa dati na walang emosyon namukha at laging nakakunot na noo. "What?"

Naiiling na tumayo sa upuan si Alexilia upang itapon ang mga balat ng pinagkainan bago umupo sa kinauupuan ni Raide, malapit kay Zevious nanakatungo sa lamesa.

She raised her hand to touch Zevious' chest nut hair color, and gently caress it. "Hmm..." Zevious hummed at nag-angat nang tingin sa kaibigan.

Alexilia smiled at him. "You're cute," she said.

Unknown LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon