Chapter 10

111K 1K 46
                                    

Chapter 10
Vareen's Point of View


Matapos niya akong tawagan ay nagsimula na namang maglawa ang gitna ko. Shit, wala pa akong panty! Kinuha ni Oliver, damn him. Naka mini-dress pa naman ako.

"Who's that?" tanong ni Raze.

"Wrong number daw.

Pagkatapos naming maglunch ay agad din siyang umalis at ako naman ay naiwan dito, nanghiram ako ng damit at pants kay Helia, mabuti na lang at may dala siya. And thank God, may dala akong extra na panty sa drawer ko.

I checked the restaurant bar sa baba, as usual, maraming kumakain, aligaga din ang mga nasa kitchen area. Naisipan ko na lang na tumulong sa pagluluto, they're all busy.

"Grabe boss, biglang dagsa mga tao kanina, hanggang ngayon pa din naman, pero mas kakaunti na." Bungad sa akin ng cashier namin.

Oo nga din pala, na-short kami sa crew, yung iba nagfile muna ng leave at yung iba ay nagresign. 

"Call me if you guys need help here, para naman sana hindi kayo nahirapan."

"Opo, next time." Tumango na lang ako at tsaka tumulong na din magserve.

Naabutan ko sa isang table ang co-manager ng hotel na pagmamay-ari nila Raze. 

"Our dear Vareen! Bihira ka na sa hotel ah?" Inabot ko sa kanila ang kanilang pagkain.

"Sorry, Ma'am. Busy ako dito sa resto ko." I told her. Kung may time din kasi ako ay tumatambay naman ako kung nasaan si Raze, madalas din kasi ay makikipagkwentuhan ako at nanghihingi ng tips sa mga staff at managers nila.

"I can see, bakit hindi ka gumawa ng branch? Ang layo pa ng pinunta namin para lang sa food niyo." There, I'm flattered. 

"Pinag-iisipan ko pa nga yung about diyan Ma'am, don't worry, inform ko kayo."

Nasanay na din yung mga madadalas na kumakain dito na ako yung nags-serve ng food. Maraming nagsasabi na dapat hindi ko na iyon ginagawa dahil may mga waiter at waitress naman ako. I just always reason out na I wanted to help, and that's in my nature. They're saying na hindi ko daw bagay ang ganun dahil model ako. And I just simply say that I don't care, basta tutulong ako every time na gusto ko. Akin naman ang restaurant, anong magagawa nila?

May mga mangilang-ngilan ding nagpapapicture sa akin, hirap pala maging famous. Ikaw ba naman magkaroon ng tatlong naglalakihang billboard sa EDSA, at marami pang iba sa iba't ibang parte ng Metro Manila. Plus, idagdag pa ang pagiging featured model ko sa iba't ibang magazines and news.

Naalala ko na naman yung pagtawag sa akin ni Jayce, I wonder kung saan niya nakuha ang number ko. And my primary suspect is my one and only bestfriend.

After that day ay naisipan kong bisitahin ang bahay ampunan na weekly kong dinadalaw. Agad akong sinalubong ng mga batang naglalaro sa may garden.

"Ate Vareen!" Niyakap nila ako, I missed them. I've been supporting the orphanage for almost 5 years, sila Mom kasi ang nagpatayo nito.

"Ate may good news po kami!" Sabay sabay silang nagsalita at halos hindi ko na sila naintindihan.

"Ano ang good news, January?" I asked the girl. January ang pangalan niya.

"Madadagdagan na po kami! At... binabalak nila Nanay at Tatay na magpatayo ng pangalawang bahay diyan sa likudan.

Nanay and Tatay ang tawag nila sa tiyuhin at tiyahin ko na mahilig sa bata. Sila na din ang nagmanage sa lugar ever since. Halos nasa trenta na ang bilang ng mga bata dito ah, sabagay, hindi din naman sila mahihirapan dahil may mga maid sila.

These kids are lucky, most of them are abandoned sa kalsada, at yung iba ay gaya ko lang din, nawalan ng pamilya o hindi na hinanap ng pamilya.

"Really?" Nakangiti kong tanong.

"Yes, Ate. Sabi sa amin nila Nanay, darating na yung iba sa susunod na araw." Tuwang tuwa naman sila, may bago na naman silang magiging kapatid. Napansin ko sa isang sulok ng garden ang isang bata na nakatulala. 

Nilapitan ko siya, "May problema ba?

"Napanaginipan ko po kasi ikaw..." Napataas naman ako ng kilay sa narinig ko.

"Ano namang nangyari?" Curious kong tanong.

"Ikinasal ka po sa ibang lalaki, dapat kay Kuya Raze ka lang." Napatampal ako ng noo sa narinig ko, akala ko naman kung ano na. Pinakaba niya pa ako.

"Ano ka ba naman! Pinakaba mo ako.

"Eh kasi po dapat sagutin mo na si Kuya Raze tapos pakasal na po kayo AGAD!" Nabuhayan siya ng loob at tsaka napasuntok sa hangin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Gusto ko kapag naging kami ni Raze, wala nang hahadlang sa aming dalawa, gustuhin ko man pero ayaw ko pa din.

Gaga! Ang sabihin mo kasi gusto mo yung dalawang umaangkin sa'yo!

Hindi ko na lang siya sinagot at pumunta na kami sa loob. Sinalubong naman ako ni Tita.

"Di na busy?" she asked, may hawak siyang tray ng meryenda para sa mga bata.

"Di naman na po masyado, Tita.

"Hindi mo kasama si Raze ngayon ah?" Madalas kong kasama si Raze na dumadalaw dito, madalas niya din na kinukwentuhan ang mga bata, minsan na din niyang nabanggit na gusto niya akong maging girlfriend, basta ay sasagutin ko daw siya. Simula noon ay umasa at naniwala na ang mga bata na magkakatuluyan kami. Ewan ko ba kay Raze kung ano ano pinagkukwento.

"Busy siya eh," Tinulungan ko si Tita Amelia sa pagdala ng pagkain sa garden. Si Tita ay hindi nagkaanak, ever. Nagkaroon kasi siya ng sakit na Polycystic Ovarian Syndrome, kaya naisipan niya na lang mag-ampon. Pumayag naman doon si Tito Silvester.

"Kumusta naman ang resto bar mo? Ang modeling?" she asked.

"Good na good naman, Tita. As of now nakapagrenew na ako ng contract sa Constell at patuloy pa ring lumalago ang Carmelita's."

"That's good, tama lang na sayo ipamana ni Dad ang kanilang Carmelita's, naku kung buhay pa si Mommy, malamang matutuwa yun." Anak siya ni Lolo at Lola, which is kapatid ni Mommy.

"Proud na proud sa'yo yung parents mo. Don't give up on everything, okay? Alagaan mo yung business mo." Tumango ako.

Wala naman akong balak na iwanan yung business namin, doon na ako natuto, nag-grow at gumaling. I would never let that business down.

Napatingin ako sa may gate ng may mapansin akong pigura. A very familiar dark aura, smirking at me.

Shit, Jayce.


**

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon