Chapter 27

74.5K 763 192
                                    

Chapter 27

Vareen's Point of View 


"Earth to Vareen!" Sigaw sa akin ni Direk sa akin. Napabalik naman ako sa katinuan ng marinig iyon. "Magsisimula na ang shoot mo!

"I'm sorry, direk." Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa may studio. 


"Vareen, settle your problems. Ayusin mo. Hindi kami sanay na ganyan ka, your shoot wouldn't be successful kung ganyan itsura mo. You're not even happy!" Sermon niya sa akin. Napatango na lang ako sa sinabi niya. It's been weeks, si Raze lang ang laman ng isip ko. Gusto kong maging maayos kami pero siya na ang lumalayo, ako naman itong naghahabol.

I even contacted his friends pero kahit sila ay hindi ito mahanap, his ate and mom told me that he went up for a vacation at hindi nila alam kung saan. Ayaw kong masira ang friendship namin. Ayaw ko ng nagkakasakitan kami.

I started to pose, ang theme namin ngayon is After the Summer Season, pinaganda pa eh, it only means Rainy Season ang theme namin. I got featured in one of the famous magazines at sobrang naexcite doon ang manager ko, so they will do their very best para maging maganda ang shoot ko.

Inabot na naman kami ng halos limang oras para lang sa shoot na 'yon, I managed to make my actions and poses good looking naman kahit papaano.

"You can't hide all of your problems by faking a smile. What's wrong?" William asked, my make up artists.

"I just don't want you to get involved, kaya ko 'to." I answered him, nandito kami ngayon sa lounge, hinihintay ang announcement ng manager ko.

"Vareen, alam mo naman na you can tell me your problems... huwag mong sosolohin, okay?" I nodded, kasabay noon ang pagdating ni Manager Carolyne.

"Good news, Vareen!" Umupo siya sa tabi ko at napatili sa sobrang excitement. "Look, nasa top 50 hottest model ka worldwide! We should celebrate, oh my god!"

I checked her phone at hindi nga siya nagkakamali. Nasa Rank 48 ako! Ni hindi ko aakalaing makakapasok ako sa ganito. I refreshed the page, baka may glitch lang. I waited for a second and scrolled it, at nandoon pa din ang pangalan ko.

"We should celebrate! Nakapagbook na ako sa nearest resort ng mga Lucio!"  Oh no, no. Not Lucio. "Tara na Vareen!" Hinila na nila ako papunta sa parking lot, sumakay yung ibang model sa kotse ko at sila Ma'am Carolyne naman ang nasa van, halos lahat ata ng staff niya ay pupunta.

Lucio Hotel and Resorts, okay. Raze Laurence Lucio owns them all. There's a part of me who's wishing na sana nandoon siya, but it's not going to happen. Gusto ko na siyang kausapin. Malinaw na sa akin ang lahat. Alam ko na ang feelings ko towards him, and I sure of it. Wala ng pag-aalinlangan, it's final, kumbaga.

Pagdating namin doon ay agad kaming dumiretso sa may pool sa rooftop.

Mabuti na lang at may dala pala akong bikini, hindi pa naman ako nakapagprepared dito. Nagsimula na silang magsaya. Sila lang naman yung nagsasaya, ako hindi.

Lumangoy ako papunta sa dulo ng pool at tinitigan ko ang dagat. Napakaganda ng panahon ngayon, kitang kita ang sinag ng buwan doon, puno na din ng mga bituin ang kalangitan.

I wonder, ano na kayang ginagawa nung dalawa? They might be very busy dahil hindi nila ako tinawagan today. Palagi kasi silang tumatawag, ngayon lang hindi.

I just stared sa ibaba, I can even see my restaurant up here. Mabilis lang din ang daloy ng pagbyahe, walang katraffic traffic, which is new.

Lalangoy na sana ako papunta sa bar counter ng may maramdaman akong nagtakip sa mata ko.

"RAZE?!" natutuwang hula ko, kamay ng lalaki eh.

"Raze ka diyan." I gasped when I heard his voice. Oh no, it's Oliver. Tinanggal ko ang kamay niya sa mata ko at laking gulat ko ng makita ko siya. Napayakap ako sa kanya, oh my.

Si Jayce ay nasa likod lang namin, masama ang tingin at tsaka umiling.

"We missed you, baby." Hinalikan ako ni Ollie sa labi at una kong narinig ang tili ni Manager Carolyne. "Surprise." He said after the kiss.

"I knew it! Masosorpresa talaga si Vareen!" Napalalakpak pa si Manager at ganoon din ang iba. So, it means... alam nila na uuwi sila 

"A-ang bilis niyo naman? I thought three months?" I asked.

"Sa tingin mo kaya naming makatagal doon lalo na at wala ka?" He gave me a kiss on my forehead at tsaka kami lumangoy pag-ahon sa pool. I was supposed to hug Jayce pero pinigilan niya ako.

"What's wrong?" I asked in confusion.

"Ikaw." He just simply said bago niya ininom ang wine.

"Anong meron Ollie? What's happening?" Mahina kong tanong para hindi marinig ng iba.

Kinaladkad nila akong dalawa papunta sa may restroom, hindi naman nila kami napansin dahil busy sila sa kaniya kaniya nilang buhay.

"We trusted you. What's this?" Pumunta siya sa may suitcase niya at may inabot sa aking brown envelope. Binuksan ko iyon at doon nakita ko ang iba't ibang kuha ng litrato. Larawan iyon ng nasa bar ako at nakayakap sa akin si Raze, sumunod ang larawan na kuha mula sa labas ng aking bahay, iyon yung gabing nalasing siya at noong gabing hinalikan niya ako, masaklap pa ay nakapatong siya sa akin. Wait, are they even spying on me? 

"We told you na ayaw ka naming lumalapit kay Raze! Pero sige, okay, papalampasin namin yung niyakap ka niya sa bar, but what the fuck, Vareen?! Kahalikan? Halikan lang ba talaga nangyari diyan?" Galit na sabi ni Jayce. Napaatras ako ng bahagya ng biglang nag-iba ang aura niya. He's angry. Kahit hirap akong magsalita ay pinilit ko pa ring magsalita.

"Bro, chill. Let's hear her side." sabi ni Ollie sa kanya but Jayce didn't mind him.

"Why are you even angry? Hindi ko naman kayo boyfriends, or asawa... w-wala naman kayong karapatang magalit eh... k-kasi wala tayong relasyon." Garalgal na ang boses ko habang sinasabi ko iyon.

"Oo nga naman," Jayce pinned me on the wall. Inilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko. "I'll give you an offer, Vareen." He whispered.

"Papatayin namin si Raze o sa amin ka lang?"

**

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon