Chapter 69

42.7K 566 180
                                    

Chapter 69

Oliver's Point of View


"Condolence po." Tahimik lang akong nakatayo habang pinapanood ang pagdagsa ng mga tao sa may memorial chapel kung saan nakaburol ang namayapang nanay nila Jayce.


It was her who died 3 days ago. Tatlong araw na din simula nang mangyari ang sunod sunod na insidente na iyon; the kidnapping, the killing, the bombing and lastly, her death.


No one expected that she would die that afternoon. Everything just happened unexpectedly. 


Tumabi sa akin ang isa sa mga anak ng colleague ni Dad, one of our close friends. "It's too early for Tita Minerva to go." I heard him saying it to me. Sumipsip muna ako sa frappe na hawak ko at napabuntong hininga. 


"It really is." Sinalo niya ang tatlong bala ng baril para hindi lang mapahamak si Jayce. She did that for him. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Leon, on the other hand, killed that Primero afterwards. 


It's also been three days, hindi pa din nagpapakita si Jayce. I couldn't help myself to worry, he's not doing well right now, he's been blaming himself for the death of his Mom. He's been blaming himself kung bakit nangyari lahat ng iyon sa amin.


Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ang lalaking 'yon, marami siyang pupwedeng pagtaguan, as for now ay hinahayaan na lang muna namin siya kung nasaa man siya ngayon. He's still grieving, he needs space, I know that but he must be atleast here bago ilibing si Tita.


Tita Minerva is like my second mother already, she treated me like her own son. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, she taught me a lot of things. Madalas akong nags-stay sa bahay ng mga Vander dahil na din sa kagustuhan nila, I actually have my own house but I also choose to be with them at all times. Nakakalungkot kaya ang mag-isa.


My parents are working abroad, my brother is a busy man, my little sister is also busy on college, I usually end up alone, minsan minsan na lang kung magkita kita kami ng kumpleto. That's why I usually stay with the Vanders. They're like family to me, kung tutuusin ay mas matagal ko pa ata silang nakasama kaysa sa sarili kong pamilya.


Nahihiya na nga ako dahil nagmumukha na akong pabigat sa kanila, but they always say that I never did, I never was. 


Lumabas ako papunta sa garden para magsigarilyo sana, nakita ko si Valerius, nakaupo sa may damuhan at busy sa pagd-drawing sa sketch pad niya. 


Noong una ay nahirapan ako kung sino sa dalawa si Valerian at Valerius, magkamukhang magkamukha kasi sila, even the way they speak, they act, almost everything. Ang tanging palatandaan ko lang sa kanila ay ang buhok nila. Valerius and I are actually the same, we both have small patch of white hair streaks sa may left side ng ulo namin. I could probably say that it's inborn, experts call it, poliosis.


Hindi lang nahahalata ang sa akin dahil madalas akong magpakulay ng buhok. 


TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon