Chapter 49

47.7K 597 23
                                    

Chapter 49

Vareen's Point of View


Nagising ako nang wala na si Jaydee sa tabi ko, I immediately grabbed some clothes he bought from the cabinet at iyon ang isinuot.


I walked papunta sa room ng mga bata and to my surprise ay wala sila doon. Anong oras na ba?


It's still eight in the morning. "Ate, where's the kids?" I asked one of the maids. Hindi ko kasi sila mahagilap ni anino din ng Jaydee ay wala.


"Ipinasyal po nila Ma'am Minerva." She answered, we walked to the kitchen and she prepared me my breakfast. "How about Jaydee?" Sunod kong tanong.


"Sabay po sila kanina ni Sir Jayce na umalis," I just nodded and eat my breakfast. Kinuha ko ang aking phone sa aming kwarto at may mga messages pala doon. Hindi ko nga pala iyong ni-check kanina, most of the messages came from Jaydee, saying that he's in the Main Vander Empire building, talking to his brother, which is sent to me 20 minutes ago.


Maya maya pa man ay tumawag si Mommy Minerva. "Good morning, iha!" she greeted, narinig ko naman ang kambal sa background, it seems like they had a morning stroll.


"Hi Mommy! Lola and Lolo brought us for a morning walk!" Valerius lively greeted at the video call, inagaw naman iyon ni Valerian sa kanya.


"Lolo treated us hotdogs!" Valerian exclaimed showing the camera what are they eating.


"Bakit hindi niyo ako sinama?" I asked at nagkunwaring nagtatampo.


"Because Lolo said that you and Dad were busy making our little brother and sister, so we didn't bother to disturb you!" Narinig ko naman ang pagtawa ng dalawang matanda sa tabi nila.


"My god, Mom and Dad!" Mas lalo pa silang napatawa dahil sa naging reaksiyon ko. Hay naku, mamaya ma-atat lalo yung kambal sa magiging kapatid nila eh. I'm pretty sure, isa araw magtatanong na sila kung nasaan na!


"I'm sorry, darling! We just assumed and I know you're tired so hindi ka na namin ginising." Ngunit may ibang kahulugan pa ata ang kanyang sinabi at may IBA pa siyang gustong ipunto. Yes, mom. Pinagod ako ng anak mo kagabi.


"Okay, fine!" I laughed. "Uuwi na po ba kayo after that? Did you bring extra clothes for them?"


"Yes, Vareen. And we're taking them to the nearest amusement park." Pumayag naman ako, the kids really love amusement parks lalo na sa mga horror booths, na-bored kasi sila before sa mga kiddie rides. I could still remember how Jaydee challenged them if they could survive a horror house, and everything just went epic and pure comedy.


Simula noon ay nagustuhan na nila ang horror houses at may mga ilan pa kaming binalikbalikan.


"Okay po, I guess I'll go see Jaydee on the Empire na lang." I told them, baka kasi mapaaga ang uwi nila at maabutan nilang wala ako dito.


"Oh sige." Mom said from the other line.


"Bye, Mommy! We love you!" sabay na sabi ng dalawa.


"Oh, wag niyong masyadong pagudin ang Lolo and Lola niyo ah? I love you! Byee~" Tumango ang dalawa bago tinapos ang tawag.


Back in Romania before, Jaydee and I taught the kids on how to speak Tagalog, dahil English ang nakalakihan nila. Both grew up as good and well-mannered kids. Hindi naman sila mahirap turuan, madali lang silang natututo sa mga bagay bagay. Idagdag na din ang mga kalokohan na pinagtuturo ni Jaydee, kaya na lang minsan ay nac-curious ang mga bata at nagtatanong sila sa akin ng mga bagay na hindi pa dapat nila malaman.


Kaya madalas na nakakatanggap ng sapak sa akin ang lalaking iyon. Dumating pa yung point na palaging dumadalaw sa amin si Raze at sabay nilang pinagtuturo ng kung ano ano ang dalawa.


I was about to take a shower nang may kumatok sa pintuan. Maybe it's one of the maids. Inayos ko ang pagkakatapis ng tuwalya sa aking katawan at binuksan ang pintuan.


I tried to calm myself down ng makita si Oliver, pinasadahan ko siya ng tingin, he's wearing a long-sleeved polo na hindi pa nakabutones, exposing his toned chest and eight pack abs. Six-pack lang yun dati ah? Naging suki na bigla ng gym?


"Can we talk?" he asked. Lumapit siya ng bahagya at naamoy ko ang kanyang pabango. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa towel na tanging nakabalot sa katawan ko nang napako ang tingin niya sa dibidb ko.


"Sure, maligo lang ako." Sabi ko.


"Okay, I'll wait downstairs." He smirked before walking away. Nakahinga ako ng maluwag, agad akong pumunta sa CR at naligo. Pagkatapos kong naligo ay agad akong nagbihis.


Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. I wore a simple fitted black dress and paired it with black stiletto heels. Inilugay ko ang buhok ko at hindi na nag-abala pang maglagay ng make-up. Kinuha ko ang purse ko at bumaba.


Doon ko siya naabutang nakaupo at hinihintay ako, nang makita niya ako ay agad siyang napatayo at inayos ang kanyang coat. Nang tuluyan akong nakababa ay napatitig siya agad sa katawan ko.


"S-sa-saan ka p-punta?" Utal utal na tanong niya. Lumapit ako sa kanya at napatalikod naman siya.


"I'm going to the Main Building of the Empire." I calmly said and I smiled at him.


"I-Ihahatid na kita, doon din naman ang punta ko." I nodded at hinawakan ang kamay niya, halos mapatalon pa siya sa gulat ng gawin ko iyon.


"Come on! I'm dying to see my husband." Hinila ko siya palabas ng bahay, nanginginig at nanlalamig ang kamay niyang hawak hawak ko.


Nang makarating kami sa parking lot nila na puno ng mga sasakyan ay tsaka ko siya binitawan. He walked to the Black Ferrari at inilabas sa bulsa ang susi ng kotse. Napatingin ulit ako sa iba pa nilang sasakyan, damn, everything is worth in millions and billions. Nang makabawi ako ay sumunod na ako sa kanya, pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay.


May pinindot siya sa cellphone niya at ang gate ay kusang bumukas. He drove the car steadily, but it is moving fast, kulang na lang ay ibangga niya ang sasakyan.


Nang makarecover ako sa kung paano siya magdrive ay hinarap ko siya.


"So, what are we going to talk about?"


"We're going to talk about you."


**

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon