Chapter 64

37.9K 509 57
                                    

Chapter 64

Vareen's Point of View


"Good morning, babe!" Pilit kong iminulat ang mata ko kahit antok na antok pa ako. Hindi ko na alam kung anong oras natapos ang party at ang pagbabad namin sa pool kagabi. Jaydee must've brought us in the bedroom. 


"Anong oras na?" tanong ko, hindi ko pa rin minumulat ag mata ko, gusto ko pang matulog.


"Six A.M., I'm sure that you wanted to go for a kayaking." Napabangon agad ako sa sinabi niya, I wanted to go to that hidden lagoon that they've been mentioning. "Come on, magbreakfast muna tayo." Sumilip ako sa labas bintana, so we're still at the yacht, akala ko ay nakabalik na kami sa isla. Dumiretso ako sa CR at nagtooth brush. Nang makapag-ayos na ako ay umakyat na kami sa may deck. 


"Nauna nang bumalik yung iba sa isla, hindi tayo lahat kakasya sa speed boat eh." Naabutan ko ang mga Vander at si Oliver. We all greeted our good mornings at nagsimula ng kumain. 


Ang mansion na tinuluyan pala namin kahapon ay pagmamay-ari nila Mama, akala ko ay binigay iyon nila Jayce sa kanila. 


Minsan ay hindi pa din ako makapaniwala na namimigay lang sila ng mga lupain at bahay, I also heard that they even bought a subdivision somewhere in Zambales para lang ibigay ang mga bahay doon sa mga nagtatrabaho sa kabukiran. Working for the Vanders are really hard, marami din naman na silang nasisisante na mga abusadong workers, aside from that, ang kinaganda lang ay hindi ka magsisisi kapag sa empire ka nila nagtrabaho, basta huwag ka lang tatanga tanga talaga.


Napag-alaman ko din na ginamit pala nila Mama at Papa ang naitago at naipon nilang pera para makapagpatayo ng bahay, hawak na din pala nila ulit ang naluging kumpanya nila noon. 


Pagkatapos naming magbreakfast ay bumalik na kami sa isla para makapagprepare sa kayaking. 


"Mommy? Hindi daw po kami allowed to go for Kayaking!" Valerius cried at nagsimulang magpapapadyak ng paa sa buhanginan. Wait, sa pagkakaalam ko ay pwede ah?


"Why? Sinong nagsabi?" I asked him at pilit na pinapatahan, kapag si Valerius pa naman ang nagtampo at nagover react ay hindi agad mapapatahan. 


"That man po!" Tinuro niya yung lalaking kausap ngayon nila Oliver, mukhang siya ang nagpaparenta ng kayak boats. Tumakbo papunta sa amin si Jaydee.


"Why are you crying?!" Kinarga niya si Valerius na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatahan. "Hey, they already allowed kids to go with us." Naglakad na kami papunta kila Oliver. Naghihintay na doon ang iba pa naming mga kaibigan na sasama sa trip. Hindi pa rin tumatahan si Valerius. Siguro ay nabigla ito sa pagkakasabi ng lalaki, sa mukha pa lang kasi nito ay halatang masungit na.


We all wore our life vest, Valerian and I went to the first boat, sila Valerius at Jaydee naman ang magkasama, nang makasakay na sila sa boat ay tumahan na din si Valerius. Napalitan ang expression niya ng tuwa at excitement. We almost spend two hours kayaking to the lagoons of El Nido. 

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon