Chapter 55

39.3K 567 67
                                    

Chapter 55

Jayce's Point of View


"You're also not easy to find." Sumandal ako sa may railings ng yate at pinanood siya habang ang kaniyang mata ay nakapokus sa dagat.


Lahat ng madala naming pinupuntahan na lugar ni Oliver ay pinuntahan ko, and this island here in Subic is my last stop. Ito na lang ang hindi ko napupuntahan. My family owns a property in Silanguin Island, a property na nakapangalan kay Oliver. That's Mom and Dad, namimigay lang ng property at lupain, nagagawa nga naman ng mayayaman.


I never wanted to be born wealthy, as much as possible ay gusto kong naging simple na lang sana ang buhay namin. Hindi ako nakukuntento ngayon, I'm more contented kung pinaghihirapan kong makuha ang isang bagay o ang gusto ko.


But I guess that's just it.


"I'm sorry." Nagtama ang mga mata namin nang sabay naming binasag ang katahimikan sa pagitan namin.


"Kailangan ba ligawan kita para mapatawad mo ako?" I tried myself not to laugh, I am just probably joking.


"Huwag ako, bro. Hindi ka naman marunong manligaw, kasi nasanay kang ikaw nililigawan."He was right, a LOT of girls have been courting me since high school, and I am not proud of that. Para sa akin, it's not good to see a girl courting a guy, but all of that seems normal nowadays.


I have never been into serious relationships before, wala din namang nagtatagal sa akin. One of the many reasons kung bakit ako hindi marunong manligaw ay tatanungin ko pa lang ang babae kung pupwedeng manligaw ay sinasagot nila agad ay hindi ko na kailangang gawin iyon dahil magiging kami din naman eventually, pero walang nagtatagal sa akin, kakanda-kandarapa sila pero sila din naman pala unang bibitaw. Isa ulit sa maraming rason ay dahil boring daw ako kasama.


Oliver said that all they wanted to me is my money at idagdag na din ang itsura ko, hindi naman sa nagmamalaki ako pero isa ako sa palaging pinagkakaguluhan noon sa campus namin, kahit yata magdisguise ako noon ay makikilala nila ako. Hanggang sa nasanay na din, I wish I could just flick my fingers and make them all stop.


Dahil wala din namang balak magseryoso sa akin, mas pinili ko na lang na magseryoso sa pag-aaral. Hindi ko na din binalak maghabol sa mga naging ex ko, ano sila swerte? Mangarap sila.


Dahil doon, pinili ko na lang na magfling, mas okay na 'yun, no strings attached. Nakakaumay din. Madalas ay one night stand lang ang abot nila sa akin, huwag lang silang magkamali, hindi nila alam kung paano ako magalit.


"I'm sorry, naging mababaw ako."


"At mapride." He added. Inagaw ko sa kanya ang kanyang baso na may wine at ininom iyon. "Nahanap mo na si Vareen?" he asks. Umiling ako.


"She's nowhere to be found. Our P.I. said that someone's blocking her traces kaya nahihirapan pa silang hanapin siya. Mas maganda sana kung sa atin na lang niya nalaman, panira ng buhay yung Clarke na 'yon. Hindi pa ba patay ang hayop na 'yon?" That man deserves to die. If we only have the guts to kill him that day ay ginawa na namin, ayaw ko lang na maging isa pa iyon sa dahilan para layuan kami lalo ni Vareen.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon