Chapter 43

46K 654 221
                                    

Chapter 43

Vareen's Point of View


"Hello, my handsome grandsons!" Ang bati ni Mommy sa dalawa. Binigyan niya ang kambal ng tig-isang balot ng chocolate at ang dalawa ay tuwang tuwa naman. Spoiled sa Lolo and Lola eh.


"Thank you, Lola!" they both said and they kissed their Grandparents on her cheek.


"Parang dati lang ay napakaliit lang nila! Ngayon ay hindi ko na mahabol!" Mommy smiled nang makita niya na nakikipaglaro ang mag-Lolo.


Hindi ko tuloy maiwasang maaalala si Mommy Minerva noon, nang malaman niya na magpapakasal na sa akin si Jaydee at nalaman na buntis din ako, ay nahimatay ito. Kinabahan pa kami dahil baka inatake na ito, iyon pala ay tuwang tuwa lang! She knew me as a model and she also knew that I had a relationship with Oliver, ganoon na lang ang pagkagulat niya ng malaman na ikakasal na ako kay Jaydee. She also thought na for show lang naman daw siguro yung sa amin ni Oliver because that's how the media would want it.


Hindi ko na din napigilan ang sarili noon na sabihin sa kanila ang totoo, ang for the second time around ay nahimatay na naman si Mommy nang malaman niya na si Jayce ang ama ng dinadala ko. Muntik muntikan pang hindi matuloy ang kasal.


Hindi ko sinabi na isa sa kanila ni Oliver at baka hindi na lalo matuloy ang kasal. In the end ay natuloy pa din kahit kitang kita ang panghihinayang sa mukha nito, but she still accepted it kaysa naman mapunta daw ako sa iba, same reason just like Jaydee's.


I begged them na huwag sabihin kay Jayce ang totoo, ayaw ko. Ayaw kong malaman niya, nilang magbestfriend. Nang nalaman nila ang date ng kasal ay agad nilang binigyan ng napakaraming project na gagawin si Jayce sa araw na iyon para maging busy ito, mabuti na lang din at hindi siya nagduda.


For the past five years ay wala akong naging balita sa dalawa, I simply cut off all of my connections to them. Ayaw kong malaman nila na nagkaroon ng bunga ang pangloloko nila.


Mom and Dad planned the baby shower and gender reveal, sila ang unang nakaalam ng magiging gender ng anak ko. Akala ko noon ay mahihimatay na naman si Mommy sa nalaman, instead she just cried her tears out at tsaka parang bata na nagtatalon sa tuwa, syempre hindi ko alam kung ano ang nangyari noon. 


After that day ay pinaghandaan nila ang baby shower and to my shock, hindi lang pala iisa ang anak ko, kundi kambal! Dalawang lalaki! Iyon na din siguro ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang inakto ni Mommy Minerva noon. 


"Mommy, we wanted to go to the Philippines!" Valerius pleaded at nagpuppy eyes.


"Kaya nga Mommy! Vacation na namin diba? We want to visit Dad's country home!" Valerian exclaimed.


Naging excited ang dalawa,  never silang nakapunta sa Pilipinas, rason ko? I am not yet ready for the two to find out about this.


"Mommy please!" They both pleaded, I laughed.


"Okay, fine. I guess we'll stay in the Philippines for your vacation."

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon