Chapter 42

47.1K 735 356
                                    

Chapter 42

Vareen's Point of View


"Lolo!" The twins both screamed when they saw Dad. The famous Jackson Vander. Kasama niya ang kanyang asawa na si Minerva Vander. They usually visit the twins here in Romania. Dito na din lumaki ang dalawa.


Sa totoo lang ay alam nila na hindi si Jaydee ang ama ng mga anak ko. They knew that it's Jayce, ngunit hindi nila alam na pati din si Oliver. They promised na hindi malalaman ni Jayce ang lahat ng tungkol dito. Mom and Dad has been hiding this little secret of mine for five years.


Jayce doesn't even know na ikinasal ako sa nakababata niyang kapatid.



"What is the meaning of this?!" Umalingawngaw ang boses ni Lolo sa buong living room nang ipakita niya sa akin ang isang larawan.


Natuod ako sa kinatatayuan ko sa mga panahon na iyon, isa lang ang alam ko, nalaman na nila na buntis ako. Nagduda agad sila dahil sa biglaan kong pagtira sa puder nila dito sa Romania.


"Buntis ka?!" Napayuko ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Jaydee.


"Siya ba ang ama? Huh?" Tanong naman ni Tito Vladimir, hindi pa rin ako sumasagot dahil ayaw kong malaman nila ang katotohanan.

Katotohanan na hindi ko alam kung sino talaga ang ama.


"You're just 22, Vareen! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Narinig ko naman si Tita Valencia sa kabilang gilid, katabi si Helia na umiiyak pa din hanggang ngayon.


"A-ako po ang ama ng dinadala ni Vareen, handa ko po siyang panagutan kaya na din po ako nandito." No... hindi alam ni Jaydee ang pinapasok niya.


"Jaydee..." Hawak pa din ang kamay ko ay humakbang tumabi siya sa akin at buong tapang na nakatingin kila Lolo.

"Papa, hindi naman natin pupwedeng ipalaglag ang bata. I think Vareen could handle this on her own." It's Tito Vaughn.


"Hindi ko na alam ang nangyayari diyan sa batang 'yan! Tignan niyo nga Papa! Pinabayaan niya ang restaurant ni Mama, pagkatapos malalaman namin na buntis siya? Yung totoo? Nagpaiwan ka ba sa Pinas noon para maglandi lang?!" Bulyaw sa akin ni Tita Valencia, naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Jaydee.


May point siya sa part na nagpaiwan ako noon para maglandi, pero never kong pinabayaan ang restaurant. Hindi ko lang alam at aakalain na ganoon ang kahahantungan non. Gustong gusto kong isumbat sa kanya ang totoong nangyari, ngunit kapag ginawa ko iyon ay mas lalong gugulo ang sitwasyon.


"Mommy, hindi po totoo iyon, Ate Vareen take good care of the restaurant, nandoon ako, I saw all of it!" Helia stood up for me.


"Helia, huwag ka nang nakikisali dito! Kung hindi niya inuna yang paglalandi niya, edi sana ay okay pa ang lahat ngayon! Umalis ka na dito!" Giit at sigaw ni Tita Valencia sa akin. 

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon