Chapter 19

106K 895 13
                                    

Chapter 19
Vareen's Point of View


Flashback
6 years ago...


Raze and I weren't still that close six years ago. We're just classmates and sometimes groupmates. Nakilala ko si Raze in the most unexpected and unforgettable way possible. 

I'm that kind of person na walang pakialam sa madadaanan ko, walang pakialam sa paligid at iisipin ng iba. I'll do what I want in my way at walang makakapigil sa akin. 


Raze, before which is I'm not aware of, is a vocalist from one of the five famous bands here in our university. 

Pinilit ako ni Aihira na sumama sa kanya noon sa auditorium para daw manood ng Battle of the Bands, at dahil best friend ko siya, wala akong nagawa. Naabutan namin noon na nagpeperform na si Raze, with his band. Hinila ako ni Aihira papunta sa crowd at nakipag-siksikan kami hanggang sa marating namin ang harapan. 

Sakto noon at nagtama ang mga mata namin ni Raze, he was singing so good, his voice could give you goosebumps dahil na din sa lamig at ganda ng boses niya. He was just staring at me the whole time. I'm not sure, pero alam kong sa akin siya nakatingin.

When he reached the bridge of the song ay humarap siya sa mga kabandmates niya, they were all banging their heads in front, lumilindol na din ang buong paligid na puno ng tilian. Saktong pagtingin niya ulit sa akin (Oo, sa akin lang, I'm sure of it na talaga,) ay ang pagtalon niya at sa di inaasahang pangyayari ay nadulas siya. Bumagsak ang kanyang katawan sa stage floor. Napatigil sa pagtugtog ang kaniyang mga kabanda at tsaka siya tinulungang tumayo. May mga napatili at napasinghap pang babae sa tabi ko. 

"I'm sorry!" Raze said to us and they managed to finish their song naman, but Raze remained standing on his position at hindi na binalak pang tumalon ulit.

"THANK YOU! Alright, alright, I know what happened, and shit is real! Masakit sa balakang!" Nagtawanan yung mga babae nakapalibot sa amin at pati na din si Aihira. "I just can't help myself to stare to that beautiful girl over there, the reason I fell on stage!" Turo niya sa direksyon namin ni Aihira. Nagsitilian yung mga babaeng nasa tabi ko at halos mangisay na sa kilig. Napairap na lang ako sa kawalan sa mga inakto nila. Crazy. 


Bumaba sa stage si Raze and he walked towards my direction, hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa aking mga mata.


Hinawakan niya ang kamay ko na siyang hablot ko naman pabalik sa akin.


"Aww, she doesn't like to go up with me on the stage. What's your name?" he said and asked on his microphone.

'Ano ba 'yan ang arte, siya na pinuntahan ni Raze eh.'

'Kaya nga, pabebe, hmp!

Narinig kong bulong ng babae sa likod ko, hindi ko iyon pinansin, ayaw kong mageskandalo dito.

"VAREEN MEIRA IS HER NAME!" Excited at kinikilig na sabi ng best friend ko kay Raze, napangiti siya ng malaman ang pangalan ko. Pasimple kong hinampas ang maingay kong best friend at tsaka ko sila inirapan.


Later that day ay naging usap usapan na ako ng buong university.


I don't know but they're just too dumb, napatid yung paa ni Raze sa may wiring at hindi niya iyon napansin kaya siya nadulas. 

Eventually ay lagi nang lumalapit sa akin si Raze, naging friends kami hanggang sa naging close na ang aming samahan. Minsan kapag wala si Aihira ay si Raze ang palaging nandiyan.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon