Chapter 65

38.4K 472 87
                                    

Chapter 65

Jayce's Point of View


Fuck!


Hindi ko alam kung nakailang mura na ako magmula nang hindi pa umuuwi si Vareen, maghahating gabi na at hindi pa din namin siya nahahanap. Pinatawag na din namin ang buong rescue team ng El Nido para ipahanap siya. 


Ang sabi kanina ni Jayden ay umalis sila ng kanyang nanay at sinabing mag-uusap daw. Tanginang pag-uusap 'yan, aabutin ng walong oras? Si Tito Matthew naman dito ay nag-aalala na din, nag-aalala na parang hindi naman. Maya maya ay may tinatawagan siya sa kanyang telepono. It fucking looks like there's something wrong. Hindi ko maiwasang hindi maparanoid, na kahit pati simpleng paggalaw lang ni Tito ay kinakabahan na ako.


"Sir, nasuyod na po namin ang buong El Nido, mag-aalauna na din po, mahihirapan na tayong hanapin sila." Iyon ang bungad sa amin ng police head. Fuck!


"Kung hindi niyo siya kayang hanapin kami na ang maghahanap." I muttered at tuloy tuloy na naglakad papalabas ng bahay, nakasunod naman sila sa likod ko, kasama si Jayden at Oliver.


Ang mga bata ay kanina pa umiiyak, dahil sa nangyari. Hindi ko na din alam pero masama ang kutob ko dito. Kung kailan okay na kami ay doon pa siya ulit biglang nawala!


Hindi naman namin masabi na kidnapping, o kaya naman ay tumakas siya. Pero para saan naman kung tatakas siya? Anong tatakasan niya? At sino naman ang magbabalak na kidnapin siya?


Pinigilan kami ng mga pulis, "Sir, hayaan niyo na din kami ng tumulong para mahanap ang asawa ko." Mahinahon ngunit kinakabahan ang pagkakasabi ng kapatid ko. Sumunod na din sa likudan namin ang iba pang mga kaibigan ni Vareen.


"Sige po, sir. Kailangan na lang po nating maghiwahiwalay para mas mapadali ang paghahanap." Ang sabi naman ng chief police. Lumapit si Jayden sa kambal na umiiyak at hinalikan sila sa may noo nila. 


"I promise, mahahanap namin ang Mommy niyo. I'll bring her safe, okay?" The twins nodded and they both hugged Jayden.


"Kami na ang bahala sa mga bata, sige na." Mommy said. Isinilid ko ng mabuti ang baril na dala ko sa aking likuran, mas maganda nang prepared, mamaya ay may barilang mangyari.


Hindi na daw alam ni Jayden kung saan kanina nagpunta si Vareen at si Tita, ang natatandaan na lang niya ay pumunta sila sa may bandang dulo ng isla. HIndi pa man kami nakakaalis ay may grupo ng mga mangingisda na gustong tumulong ay pumunta sa direksyon namin.


"Nahanap po namin ito sa may dulo, malapit sa kweba." Ipinakita sa amin ng lalaki ang isang pendant, madalas na nakikitang kong suot ni Vareen iyon. Kinuha ni Jayden ang kwintas at binuksan iyon, nakisilip ako sa tabi niya at hindi nga ako nagkakamali. May engraving na V sa takip ng pendant at ang sa larawan ay ang nakangiting pamilya nila ng kapatid ko. 


"Wala pong masyadong nagpupunta doon dahil restricted na ang lugar na iyon. Pinagbabawal ang mga tao na pumunta doon." Nagkatinginan kami, kung alam ni Tita na bawal doon, bakit niya dadalhin si Vareen doon? 

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon