Chapter 53

39.3K 577 80
                                    

Chapter 53

Jayce's Point of View


Hahabulin pa namin sana si Vareen but Clarke stopped us. Nakatanggap siya ng mas malakas na suntok sa akin kumpara kanina, pinagtulungan namin siyang bugbugin. Hindi pa kami nakuntento ibinagsak namin siya sa babasaging lamesa niya at nawasak iyon.


"Kahit patayin niyo pa ako, it's too late now. You'll never have her back again. May mali ba sa sinabi ko? Wala na kayong magagawa, naniwala siya sa akin eh. Ang dali niya palang mauto no?" Putangina!


Pinaulanan pa namin siya ng suntok, sinigurado naming wala na siyang malay bago kami umalis. Fuck him! Agad kaming sumakay sa elevator nila, damn it! Mas mabilis pa ata kung ginamit na lang namin ang hagdanan, ang bagal ng lintik na elevator na 'to.


Hindi na namin naabutan si Vareen sa labas, where the hell did she go? Oliver tried to contact her but she's out of reach. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad namin siyang hinanap. Una naming pinuntahan ang bahay nila, ngunit wala ito doon.


"Damn it, Helia! Saan pa ba siya pupwedeng pumunta?!" Halos pasigaw ng tanong sa kanya ni Oliver.


"Huwag mo akong sigawan! It's your fault kung bakit hindi siya mahanap ngayon! I don't want to see your faces again!" Sigaw niya pabalik at malakas na ibinalibag ang main door.


This is giving me a headache, baka kung ano na ang mangyari kay Vareen, she's still recovering from what happened to her yesterday! She's not yet feeling well and we all made it worse. Hayop na Clarke 'yon. Tignan mo lang kung sino ang kinalaban mo.


Tinawagan ko ang isa sa mga magagaling naming private investigator. "Hello, sir?" Bungad niya.


"I need you to find someone for me, I need to know where's her current location for now."


"Okay, sir. Ano pong pangalan niya?"


"Vareen Meira Dalton, I need it right away."


"Noted, sir. Tatawagan ko kayo agad." He ended the call.


Dumaan na kami sa dating kinatatayuan ng restaurant niya pero hindi namin siya nahagilap doon. This is frustrating! Nang maubusan na kami ng clues kung saan siya posibleng pumunta ay naisipan naming pumunta muna sa kumpanya kahit gabi na, Dad is probably working up late tonight.


Mariin akong napapikit, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Not now please, I still need to talk to her. I need to save this.


"Dad! Close your deal and partnership to Harveel Clarke, right now!" Napaangat siya ng tingin na puno ng pagtataka. Itinigil niya ang pagbabasa ng files at sumandal sa upuan.


"Why? What's the problem?" tanong niya, tinanggal niya ang kanyang salamin at ipinatong iyon sa lamesa.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon