Chapter 45

45.9K 610 68
                                    

Chapter 45

Vareen's Point of View


Alas tres na ng madaling araw nang makalapag ang eroplano sa Maynila. Mabuti na lang at nasaktuhan naming hindi traffic papunta sa bahay. A lot of things has changed here already, na kahit pati ang bahay ko ay renovated na din. Simula nang umalis ako ay dito na muna pansamantalang tumira si Helia, she never mentioned about a renovation.


"The one and only, Vareen Meira Dalton! Naku! Ang daya mo ah, ang ganda ganda mo pa din, at mas sumexy ka lalo, hmp! Iniinggit mo ako!" Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko Manager Carolyne, ang manager ko dati sa Constell. Naisipan kong magpasama kay Helia na maggrocery. Nanlaki ang mata niya makita ang singsing sa daliri ko. "How could you!? Kinasal ka na? Bakit hindi mo ako inimbita?!" Eskandalosa niyang tanong dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligid namin.


"Ma'am Carol, I am so sorry kung hindi ko kayo naimbita, naging mabilis lang din ang pangyayari." Of course, I'm lying. Hindi ko talaga siya inimbita, lalo na at may malaking tiyansa na malalaman iyon nila Oliver.


"Hmp! Nagtatampo ako! Pasalamat ka at hindi ko kasama ngayon si Kiera, mas madaming masasabi 'yun." She's pertaining to my former Director noon sa agency. Mabuti na lang din pala at hindi niya ito kasama, magbest-friend pa naman sila at malamang hindi ako titigilan ng dalawa. "Dapat sa susunod kasama mo na 'yung hubby mo nang ma-judge!" Humalakhak siya at tsaka ako niyakap. Inirapan ko siya at tsaka niyakap din pabalik. "Just kidding! I should go na, I still have a meeting to attend." She said bago tuluyang umalis. Napailing na lang ako at tsaka bumalik sa pamimili, naabutan ko sa kabilang counter si Helia na naghihintay sa akin doon.


Kumusta na kaya ang lovelife ng babaeng 'to? Sa loob ng limang taon ay wala akong naging balita sa buhay pag-ibig nito. Hindi kaya wala pa din itong napupusuan hanggang ngayon? Madalas naman siyang nagkukwento sa akin but she never mentioned a thing about a guy or something.


Nagring ang akong phone, it's Jaydee. Sinagot ko iyon.


"Mommy!!!" Si Valerius ang bumungad sa video call.


"Hi baby, what's up?" I asked. Si Valerian naman ang biglang bumungad doon.


"You're so madaya, nagpunta ka sa mall and you didn't bother to bring us with you!" Magkasalubong ang kilay niya while his lips is pouting.


"I don't want to interrupt your sleep, babies. Okay, ganito na lang, what do you want me to buy for you two?" Nagbulungan muna ang kambal at tsaka sabay silang nagsalita. "Hey, isa isa lang!" Natawa ako sa kanila. Ang cute lang, argh! Nakita kong inagaw ni Jaydee sa kanila ang cellphone.


"Gusto daw nila ng Bibi." Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Jaydee.


"What?" I clarified, Bibi? Baby? Barbie? Ano daw?


"Daddy! It's not Bibi! Ano na ba kasi yun? Basta Mommy that fast food has Bee on its name. " Oh, akala ko pa naman Baby, kinabahan pa ako.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon