Chapter 46

43.3K 643 61
                                    

Chapter 46

Vareen's Point of View


Maagang umalis ang mag-aama, Jaydee decided to bring the kids into his condo para doon sila maayusan. The day that I've been wanting to skip on has come. Halos hindi na ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip doon.


"Ate, there's a delivery for you, from Kuya Jaydee." Helia said, tinawag niya ako at dinala sa may main door, doon ay may kahon na malaki. It must've been the gown na gustong ipasuot sa akin ni Mommy Minerva.


Pinagtulungan namin ni Helia na buhatin iyon hanggang sa kwarto ko.


I opened it and it revealed a red shimmering fitted long gown. Mayroon na ding nakaprepare na jewelries doon at nandoon na din ang high heels.


I opened the letter na nakaattach sa box.


Vareen,

We'll be sending your make up artist and designer in there, don't be late on the party, 7PM Sharp.


May pirma iyon ni Mommy Minerva. Itimabi ko ang letter at tsaka inayos ang damit, inilagay ko iyon sa hanger at inilagay muna sa loob ng walk in closet ko.


I decided to take a bath para makapagprepare na din, for sure ay paparating na ang make up artist.


**


"Ate! Gising na!" Napabalikwas ako ng bangon, tsaka ko na lang naalala na nakatulog pala ako after magshower.


"Anong oras na?" I asked her.


"It's already 5PM! Nakakahiya naman sa Make-Up Artist mo!" Napalingon ako sa may pintuan at doon ko nakita si William, ang dati kong make-up artist!


Hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya noon.


"William!" I get off of my bed at tsaka tumakbo sa kinaroroonan niya. He hugged me back as I hugged him.


"Look who's here matapos umalis ng walang paalam five years ago." Umirap siya at tsaka pumasok sa aking kwarto.


"I'm sorry, biglaan din kasi." I told him.


"Na-ah, you need to treat me on my favorite restaurant as an apology." I smiled, at tsaka umupo sa may harap ng vanity mirror.


"Okay! I'll treat you then, para makabawi lang ako sa'yo." Hindi din nagtagal ay pumasok na ang isa pang designer. Agad nila akong inayusan, William fixed my make up and Dinah fixed my hair.


Napag-alaman kong William is already happily married to his boyfriend, and they planned to adopt a kid. Matagal na daw itinigil ni William ang pagm-makeup artist lalo na ng malaman niya na umalis na ako. Kaya lamang daw siya nasa harapan ko ngayon ay dahil sa kagustuhan ni Mommy Minerva, wala naman siyang magawa dahil for sure ay malaki ang binayad sa kanya, knowing Mommy ay gusto noon na palaging maganda ang kalabasan ng mga gusto niya. She must've known that William was doing my makeup before.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon