Chapter 66

36.9K 487 133
                                    

Chapter 66

Jayce's Point of View


"Matthew! Tell us the truth! Ano ba itong gulong pinasok niyo?!" Hawak hawak na ng isa sa mga tiyuhin ni Vareen sa kwelyo si Tito Matthew. Nagmistula naman siyang parang baliw dahil bigla itong tumawa at ngumisi ng nakakaloko. What the fuck is wrong with him?


"Mom, ang mga bata." I whispered to my Mom nang maalala ko ang kambal.


"I'll check on them, kayo na ang bahala diyan." She easily went upstairs para icheck ang kambal. 


Isang oras na sigurong ganito ang scenario dito, pilit na pinagsasalita nila si Tito Matthew pero puro tawa lang ang sagot nito. Kung kanina ay okay pa naman siya, ngayon ay hindi na. He's gone mad. 


May dalawang oras pa kami na natitira para mapuntahan si Vareen, hinihintay na lang namin ang helicopter na pinadala ni Dad. Ang tanging problema na lang namin ay itong si Tito Matthew paano namin siya makukumbinsi na sumama kung biglang nag-iba ang inaakto niya ngayon.

It looks like there's a switch in his brain na napindot or naactivate and all of a sudden ay naging ganyan siya. "Ako ba si Matthew? Bakit niyo ako tinatawag na Matthew?" Nahihibang na tanong niya at nagsimula na siyang magwala.

Pinigilan ni Raze at Ziel si Tito Matthew, pinagbabagsak na din niya ang mga decorations at vases sa sahig, inilayo na nila ang Lolo ni Vareen at pinapasok sa guest room. May maid naman na dali daling lumapit kay Tito at may itinurok na pampatulog.

"What the fuck did just happened?!" I said almost shouting causing the maid to almost jump off of her feet.


"S-sir... s-sa loob ng a-apat na taong pa-pamamalagi ko dito, a-araw araw po silang nagkakaganyan." The maid explained, siya ang natatandaan kong nahire nila Tito at Tita, kakilala daw nila ito sa El Nido na naghahanap ng pansamantalang trabaho.


"What do you mean by that?" I asked, nakita ko na inupo nila Raze ang walang malay na katawan ni Tito matthew sa sofa.


"P-para po silang baliw, akala ko po noong una ay d-dahil lang siguro sa t-trauma na nakuha nila mula sa dating pinagtutuluyan nila...  h-hanggang sa tumagal po ay nagiging bayolente na sila," Napahawak siya sa may pisngi niya, ganoon na lang din nang mapansin ko ang sugat sa may pisngi niya, tantya ko ay matagal na iyong nasugat dahil naghilom na iyon ng tuluyan.


"Sila ba ang may gawa niyan?" tinuro ni Oliver ang sugat niya sa pisngi. Tumango ang babae.


"O-opo, iyon po yung mga panahon na dumalaw kayo dito Sir, tatlong taon na din po. H-hindi ko po sinasadyang marinig ang usapan niyo, iyong hindi niyo po mahanap si Ma'am Vareen." Once a month kung dalawin ko sila, hindi ko na din matandaan kung kailan iyon dahil palagi akong nagkukwento tungkol sa paghahanap ko kay Vareen. "Nang makaalis po kayo, naghysterical po una si Ma'am Carmila, galit na galit po kasi ang bagal niyo daw kumilos, hanggang ngayon hindi niyo pa rin nahahanap ang anak nila, at ako po ang napagbuntunan niya ng galit."


Anong kailangan nila kay Vareen? Napansin ko din noon kung gaano sila kadesperada at desperado na makita muli si Vareen, I only thought that they missed her kaya ganoon kaya hindi ko na binigyan masyado ng attention. Hindi ko sila pinag-isipan ng kung ano pa man.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon