Chapter 25

79.8K 718 178
                                    

Chapter 25
Vareen's Point of View


I hugged them both before they rode their helicopter. Nandito kami ngayon sa may rooftop ng building nila Jayce, napag-isipan ko na ihatid sila so I could see them bago sila mawala.

Nang makalayo layo na ang sinasakyan nila ay umalis na din ako, it's past 10 na din. Pagkababa ko sa parking lot ay tumawag sa akin si Jaira. 

"What's up?" I asked, rinig na rinig sa background niya ang malakas na tugtugan ang paghiyaw ng mga tao.

"Natawagan ko na lahat ng pwedeng tawagan, ikaw na lang hindi, si Raze kasi eh.

"Wait... what happened to Raze? Are you in a bar?" I asked.

"Yes, kanina pa siya nagwawala... I'll send you the location." Sumakay agad ako sa kotse ko, hinintay ko saglit ang text ni Jaira, they're in C-Bombs Bar and Hotel. Mabuti na lang at malapit lapit lang iyon sa Vander Empire. Doon ako madalas tumambay sa C-Bombs before, kapag stressed ako sa work or sa school, doon din madalas na may gig ang Vortex Eidra.

Nagpark ako sa labas ng bar at agad na pumasok sa loob, maingay dito as usual, nakita naman agad ako ni Jaira at agad niya akong sinalubong. Hinila niya ako sa pwesto kung saan nagwawala si Raze. May mga basag na bote na nililinis ng janitor, may hawak siya bote ng alak at tinutungga iyon. Nang makalapit kami ay agad kong hinablot sa kamay niya ang bote. 

"Stop it, Raze! Tara na iuuwi na kita." Sinubukan ko siyang hilain pero hindi siya nagpatinag. 

"Vareen! I-ikaw ba 'yan?" Namumungay ang mga mata niya na tinitigan ako at tsaka ngumiti. "Si Vareen ba'to? Tangina? Nananaginip ba ako?" Pilit siyang natawa at tsaka kinuha ang isa pang bote sa mesa at ininom iyon.

"Raze, tara na! Nakakahiya kay Tito Creed!" Hinila ko siya sa pagkakaupo at tumayo naman siya, halos matumba kami ng yumakap siya sa akin bigla. Maingat ko siyang tinulak at tinulungan naman ako ni Jaira. 

"Nagagalit ako kay Vareen, nasasaktan ako, puta!" Hindi ko iyon pinansin at inakay namin siya papunta sa kotse ko. Nang mailagay namin siya sa backseat ay napahiga ito doon.

"Jaira, thank you. Ako na bahala sa kanya," She just nodded, bakas pa din ang pag-aalala sa mukha niya.

"Two weeks na siyang pabalik balik dito, laging nag-iinom at nagwawala, nag-aalala lang talaga ako sa pinsan ko na 'yan, please, take care of him. Mag-iingat kayo." It's also been two weeks since noong hindi siya nagparamdam sa akin, I admit nalulungkot din ako at nag-aalala. I hugged Jaira bago ako pumasok sa kotse ko at nagdrive.

Idadala ko sana siya sa bahay nila, baka kung ano naman ang isipin ng pamilya niya if they saw him in this state. Alam ko hindi ganitong kalakas mag-inom si Raze, he has a healthy lifestyle at ayaw niya iyong nasisira. What happened to him?

Naisipan ko siyang dalhin sa bahay ko, pagkadating namin doon ay agad akong nagpatulong kay Manong Guard na ihatid siya sa guest room. He's fast asleep and he's murmuring softly.

"Thank you po, Kuya." I told the guard bago siya lumabas ng bahay. Pumunta ako sa CR, nanguha ako ng bimpo at tubig. Marahan kong pinunasan ang kaniyang mukha.

"I miss Vareen," he whispered, bahgyang nakamulat ang namumungay niyang mata.

"I missed you, too." I told him. Tinanggal ko ang pagkakabutones ng polo sleeves niya. 

"You're not, Vareen. Vareen is a hard-headed girl, you're too nice to be Vareen." he continued. "She even chose those two dickheads, nandito naman ako! Ako naman yung mas nauna, kaya ko namang ibigay lahat sa kanya!" His words are full of hate, basag na din ang boses niya habang sinasabi niya 'yon. I removed his shoes and socks, then I tossed it somewhere.

"They're probably just using her kasi maganda siya at ang katawan niya, she can both satisfy their needs. Nakakatangina!" Hinayaan ko siyang magsalita. He could burst out all of his emotions and pain, lalo na at lasing na lasing siya. I wanted to hear his side kahit sa ganitong paraan lang.

"Alam mo pa mas masakit? Nalaman ko lang kamakailan na Fero and her had a long time bed affair! Fuck! Half of my band mates already tasted her! Ganoon na ba talaga siya kabilis bumigay? O sadyang mabagal lang ako?!" Napaupo siya mula sa pagkakahiga at tsaka napahilamos ng mukha, napasabunot pa siya sa sarili niya bago tuluyang tumulo ang luha sa mata niya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.

"I love her so much, kahit ganoon ang nangyari sa past niya, minahal ko siya. She keeps on rejecting the shit out of me! Kahit ganoon hindi ako tumitigil, I'm patiently waiting for her to love me back! Alam mo ba noong hinalikan ko siya sa reception ni Aihira, and she responded? I felt that I owned her! Kahit saglit lang!" Tumingin siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko. Pinunasan ko ang mukha niya na puno ng luha. Nasasaktan ako sa itsura niya.

"Ang sakit lang din kapag nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba," he laughed for a bit before he continued, "Sa piling ng dalawa pala. I caught her in her room, in her office, in her car, I saw everything, I'm stupid! Bakit siya pa yung babaeng minahal ko?"

"R-raze... she d-doesn't deserve you. Raze, you deserve someone better." I told him, stopping myself to cry.

"No, I will do everything para mapasaakin siya, tanggap ko naman siya eh. Ang gago ko diba? Kapag may ka one night staand ako, siya lang palaging iniisip ko. I even see her face doon sa katalik ko! She's making me crazy."

Pagkasabi niya noon ay hinapit niya ako papalapit sa kaniya at tinitigan ako. "Bakit kamukha mo si Vareen?" Inilapit niya pa lalo ang labi niya sa akin. Hindi na din niya napigilan pa ang siniil na niya ako ng halik. I tasted the beer in his mouth, did I forgot to say that he's also a damn good kisser? 

Hiniga niya ako sa kama, pinning me there, umibabaw siya sa akin and he started kissing me again.

Damn. I should stop this.


**

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon