Chapter 29

74.8K 778 286
                                    

Chapter 29

Vareen's Point of View


"Nakausap ko na si Kuya!" Agad na napaangat ang tingin ko kay Oliver na pumasok sa aking opisina.


"Anong meron?" I asked him at pinagpatuloy ang pagch-check ng files at sales.


"You're going to come with us in Marinduque, baby!" He jogged papunta sa likod ko at niyakap ako.


"A-anong ibig mong sabihin? Hindi ako p-pwedeng—" Pinigilan niya ako at tsaka ako hinalikan sa pisngi.


"You deserve a vacation, baby! And kuya said, you need to go! Kung hindi ka nag-momodel, nandito ka naman. Tell me kailan ka huling nag-vacation?" Napaisip ako sa sinabi niya. It's been months since my last vacation, hindi ko pa nga na-enjoy because of some emergencies. May kinuha si Oliver sa paper bag na dala niya, "Tara let's have a lunch, I'll just call Helia." Lumabas siya saglit at kasabay niyang pumasok si Helia.


"Oo na! Nakakainis!" narinig kong sabi ni Helia at tsaka padabog na umupo sa may sofa.


"Alright! Nice one! I told Helia na siya muna ang bahala dito habang wala ka and she agreed! Ikaw na lang ang hindi pumapayag, Vareen..." Umupo ako sa may sofa at tsaka inirapan siya.


"Okay, fine. Isang week lang ah." sabi ko sa kanya as I prepared our lunch.


"Argh! I told Kuya na isang buwan..."


"Hey! Hindi ako pwedeng mawala ng isang buwan!"


"Just kidding." He chuckled then kissed me on the lips. Nakita ko naman si Helia na napangiwi sa nasaksihan


Helia is my total kabaliktaran, maliban na lang sa part na we're both heavy party goers. Helia was never been touched and kissed since birth! In short, she's NBSB. Sa pagkakaalam ko ay maraming nanliligaw sa kanya but she rejected them all. Ayaw niya daw sa kanila, hindi ko alam kung ano ang basehan niya when it comes to men and when looking for love. 


Minsan ko na din siyang napagkamalang lesbian, dahil kahit na lalaki ay wala siyang kaibigan. She even studied in the school na puro babae lang. I already asked her once, kung ano ba talaga ang trip niya, she just simply answered, boys are annoying as fuck.


Parang ngayon na lang, naiinis siya kapag kausap si Oliver. Ang lalaking nakita ko lang na nakausap niya ng matino is si Raze. 


We ate our lunch at umalis din kaagad si Oliver dahil pinapatawag siya sa firm nila. Napagpasiyahan ko na lang na tapusin na lang ang trabaho ko at magset ng notes para hindi na mahirapan si Helia sa gagawin niya. 


Helia's working here for me para daw sa experience and as a part time work din, her family actually owns a big factory of coffee in Tagaytay, gusto niya pa daw munang matuto bago niya tanggapin ang alok ni Tito, (her dad,) na siya ang maging manager ng kanilang factory at kumpanya. 

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon