Chapter 67

36.7K 567 78
                                    

Chapter 67

Vareen's Point of View


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang tanging natatandaan ko kahapon ay nag-uusap lang kami ni Mama, may dumating na lalaki at bigla niya na lang akong tinakpan sa ilong ng panyong may pampatulog. 


Nagising na lamang ako kanina na nakagapos sa kama at doon ko na din nakita ang katawan ni Mama na walang malay at nagkalat ang mga dugo niya sa sahig. Punong puno ang katawan niya ng saksak at walang sawang pinagbabaril. 


Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ginawa sa akin 'yon, at hindi ko alam kung bakit patay na siya paggising ko. Hindi ko na alam!


Kung kailan nakita ko na ulit sila, ngayon pa magkakaganito. Ano ba talaga ang nangyari? Halos hindi ko na nakilala si Papa kanina sa kung paano siya humalakhak at magsalita. He even said sorry tapos sasabihin niyang dapat pinatay niya na lang ako ng mas maaga? 


Ano bang meron at gusto akong patayin ng sarili kong ama? Ano ba ang nangyayari at nagawa sa akin iyon ni Mama?


Hindi ko alam kung iiyak pa ba ako, o magwawala, o tatahimik na lang. Hindi pa rin nagpoproseso sa utak ko ang mga pangyayari. Bakit nagkakaganito? Naramdaman ko ang paghalik ni Jayden sa noo ko at mas lalong paghigpit ng yakap sa akin. Nang bitawan na si Jayce ng mga guard ay lumapit agad siya sa amin at niyakap kami, ganoon na lang din ang ginawa ni Oliver.


"Vareen, I'm sorry." Narinig kong bulong ni Jayce. 


"Clean that mess now!" Nakita ko ang paghila nila sa walang malay na katawan ni Papa. Nang makahanap ako ng lakas ng loob para magsalita ay hinarap ko ang lalaking nakamaskara.


"B-bakit, a-anong ginawa nila para patayin mo?" Bumaling siya sa akin, dahan, dahan niyang tinanggal ang maskara niya at ang suot niyang fabric mask na nakatakip sa ilong at bibig niya.


"What the fuck, Ramendez?!" Halos matumba na ako sa gulat nang sabay sabay na suminghal ang tatlo. Wait, kilala nila itong lalaking 'to?


"Mas bobo kayo, di niyo nahulaan kung sino ako." Akmang susuntukin na sana siya ni Jayce pero agad siyang napigilan ng mga guard. "Chill lang, boss! You should thank me dahil sa wakas ay matatahimik na ang mga buhay niyo!"


"Fuck you! You're fired, tangina mo!" Singhal ni Jayce sa kanya at tinampal ang mga kamay na nakahawak sa kanya. 


"Boss naman!"


"Teka, magkakakilala kayo?" Singit ko sa sigawan nila.  


"Manager siya sa restaurant na pagmamay-ari namin." Sagot ni Oliver sa akin. "Ramendez, you should fucking explain right now bago pa namin isipin na patayin ka.


"Okay okay fine. I owe you all an explanation lalo na ang inyong reyna. Boss, you didn't tell me na ganito pala ka-diyosa ang kinababaliwan niyo." Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka. Kinababaliwan? Sinong nababaliw sa akin? Ang alam ko lang naman ay si Jayden.

TRINITY (Completed) (2020 Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon