"Miss hali ka nga dito dalhan mo kami ng inumin. " tawag sa kanya ng isang lasing na kustumer.
Isang taon na ang nakaklipas ng palayasin sila ni aling tuklay sa inuupahanng bahay.
Pero sa awa ng ng dios may tumulong sa kanya ng gabing iyon, isang taong hulog ng langit na nagbigay sa kanya ng limang libong piso.
Na nagamit naman nya sa mabuti. Nakakita sya ng maliit na kwarto malapit kina aya. Marami rami narin syang napasukan sa loob ng isang taon para matostosan ang pangangailangan nilang magina. At ito nga yong huli ang pag wewaitress sa bar, mag dadalawang buwan narin ang nakalipas Kaya masasabi nyang di sya masyadong nahirapan.
Nasanay narin naman sya sa mga lasing na kustumer. Kaya hindi na bago sa kanya ang isang to.
" yess sir ilang bote po. " magalang na tanong nya dito
" Da-law-a mags-ama- ka narin ng pulutan. Ikaw ba mag kakano ka.... " pautal utal na sabi nito halos masuka narin sya sa mabahong amoy ng alak at segarilyo.
" Sir naman hindi po ako kasama alak lang po binibinta namin dito." naiinis pero nakangiti parin nyang sabi..
Pero nagulat pa sya ng hilahin nito ang baywang nya palapit dito. Kaya nagpupumiglas syang makawala.
"Ang ang arte po naman, ayaw mo pang magpatable magkano ba gusto m! "Pasigaw na sabi nito.
Nakita nyang nakatingin na ang lahat sa kanya.
"Waitress lang ako dito di ako napapatable." matigas na sagot nya rito.
Nakita nyang lumapit si mamo ang baklang mayaari ng bar.
"Ano kaguluhan to Melody? " nakakunod noog tanong nito.
" Ya-n ka-si ay-aw tuma-bi saki-n," sumbong ng lasing na lalaki.
" Pagpasensiyahan nyo na sir. Hanap nalang po kayo ng iba marami pa po dyan.
Nakita nyang sumenyas ito sa ilang GRO na lumapit at estemahin ang lalaki.
" Melody sumunod ka sa akin sa opisina." seryosong sabi nito.
Kaya wala syang nakawa kundi sumudon ng maglakad ito pabalik ng opisina.
" Ano yon, dapat di kanalang nakipag away table lang naman ang gusto nong tao. " sabi nito.
" pero nambabastos napo sya, " pangangatwiran nya.
" Ano paba ang gusto mo ehh nag tratrabaho ka dito sa beer house so malamang na mabastos ka, hindi kana inosente kaya wag kang umastang Virgin! " sigaw nito..
Yon pala ang iniisip nito purkit may anak na sya kailang mag pabastos nalang sya.
" So ang ibig nyong sabihin magpabastos nalang po ako. Waitress lang po ang trabahong pinasok ko hindi GRO kaya di po ako makakapayag na bastosin ako. " sabi nya rito.
" Hoy Melody kung di mo lang naman masikmura ang trabahong ito, mas mabuti pang umalis kanalang dito di ko kailangan ang maarting tulad mo! " galit na sabi nito.
oo kailangan nya ang trabaho, kailangan nya ng pera, pero di sya aabot na magpapabastos sya siguro naman may mahahanap syang iba.
Di na syang nagsalita pa. Hinubad nalang nya ang apron nya. Pagkatapos ay nagpaaalam na.
Ano ngayon kung may anak sya di nya kayang pakainin ang mga ito galing sa masamang gawain.
Palabas na sya ng Beer house ng tumunog ang di pindot nyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story [COMPLETED]
Short StoryDesgrasyada mang maitururing dahil walang maipakilalang ama ng mga anak nya. Walang pakialam si Melody ang mahalaga sa kanya ang kapakanan ng mga anak nya. Pero mukhang magugulo pa ang nanahimik nyang buhay. Dahil sa pagtatagpo ng landas nila ng a...