🌷Chapter 19🌷

700 62 20
                                    

Nagulat pa si Melody ng Madatnan si Lance sa Sala ng Hapong iyon. Sinundo kasi nya si Crush sa school.

" O, lance napadalaw ka? " bungan nya rito.

" Magandang hapon  melody. " nakangiting sabi ni lance.

"Hello po tito lance " bati dito ni Crush.

" Kamusta naman school mo crush ok lang ba marami kanang  naging friends."

" Opo tito marami narin po.. "

Magsasalita pa sana sya ng nakita nyang palapit si Candy.

" Mama, tingnan nyopo bigay ni tito pogi.. Ganda po diba... " sabi nito habang paikot ikot suot ang magandang damit.

" Oo Maganda Candy..sige punta na kayo don kina yaya lusing para makapag bihis na at kakain na tayo pag katapos. "

" Opo Mama! " sabay na sabi ng mga ito at naglakad na papuntang kwarto.

Ng mawala sa paningin nya nag mga bata. Ay hinarap nya uli si lance.

" Lance baka subra subra naman yong pag aabala mong bigyan ng pasalaubong ang mga bata. Di mo naman kailangan gawin nyon." seryoso nyang sabi dito.

" Hay nako, melody di naman ako naabala ehh batutuwa nga akong makita silang naka ngiti pag dumadating ako. "

" Sabi mo ehh basta maraming salamat sa lahat. Sya nga pala bakit ka nga pala nandito? " nagtatakang tanong nya.

" Bawal Bang dumalaw,  hahhaa gusto kung makita ka at ang mga bata. " kamot ulong sabi nito.  Halos di maka tingin sa kanya.

Sya naman ay walang maapuhap na sagot mula. Ano ba ang sasabigin nya sadyang mabait lang talaga ang binata.

" Gusto karin naman nilang makita ehh lalo na si Candy. Ikaw kasi sinanay mo yan tuloy. " sita nya rito.

Magsasalita pa sana ito ng.

" Kayong dalawa hali na kayo kumain na tayo. " sabi ng momy nya.

" Ay nakakahiya naman po tita sa bahay nalang po. " tangi naman ni Lance.

" Hay nako tong batang to nahiya pa, para kana naming anak ahhh.. Hali kana wag kanang mahiya. Melody sumudon na kayo ni lance "

" Opo Ma " simpleng sagot nya.

" Hali Kana lance kain na muna tayo para paguwi mo magpapahinga ka nalang " sabi nya rito at humakbang na papuntang kusina.

Wala narin nagawa ito kundi sumunod narin sa kanya.

Kung ano ano ang napag usapan nila sa lamesa tungkol sa negosyo, sa pamilya, at sa hacienda

" sya nga po pala. Tito, tita bukas po ng gabi ay may party po sa hotel sana po makapunta kayo. 2nd anniversary po kasi ng hotel."

" Nako hijo gustohin koman ay nahihirapan nako, gusto kuring makita ulit ang dady mo pero magkalat lang ako don " natatawang sabi ng papa nya.

" Si Melody nalang ang magiging representante namin." sabi naman ng Mama nya.

" Mama kung di po kayo pupunta di narin po ako at saka wala po akong maiisusuot. At di naman po ako sanay sa mga party. " tangging sabi nya.

" Pero anak nakakahiya naman kay lance. Kung ni wala ni isang pupunta sa atin. Personal pa naman tayong inanyanyahan. " sermon sa kanya ng dady nya.

Tama nga naman pero ano naman ang gagawin nya don wala naman syang kakilala bukod kay lance.

" Ok lang naman Melody,  kung ayaw mo ok lang mauntindigan ko naman. Pero naisip kulang baka may makikilala ka dong mga investors na pwedeng mong maging customer in the future para lumago pa tong hacienda. "

Unexpected Love Story  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon