🌷Chapter 9🌷

881 91 116
                                    

Maagang  nagising si Melody kailagan nyang pumunta sa pinaka malapit na elementary para ipa late enroll si Crush kung pwede pa itong humabol.

Balak nya sana itong enrol nong nakaraan buwan kaso ngalang nagka sunod sunod ang problema.

Balak nya sana nalang ay sa sususnod na taon nalang ito mag aral kaso makulit ang mga magulang nya.

Baka pwede pa daw nyang ihabol si crush dahil kakasimula lang naman daw ng pasukan.

Kaya wala syang nagawa kundi sundin ang mga ito.

Pagkatapos mag agahan ay umalis na silang mag ina. Habang si candy ay nasa pangangalaga ng momy nya.

" Magandang umaga po senyotita. " nakangiting bati ni mando sa kanya ito ang driver nila.

" Magandang umaga naman kuya Mando. Kamusta napo kayo si mang lino po? " nakangiting bati nya.

" Ok lang naman sina itay at inay. Nandoon sila nakatira sa kapatid kung babae. Kaya kami nalang ng asawa ko ang natira dito sa hacienda "  katulong ni Yaya nya ang asawa nito sa bahay.

" Masaya po  kaming nakabalik kana uli. Dito senyorita babalita ko nangarin po kina itay ang pagbabalik mo. " kwento pa nito.

" Masaya din po ako kuya mando. At saka wag napong Senyorita  Melody nalang po. Para ko narin po kayong kapatid ehh. Sabay napo tayong lumaki dito sa hacienda. " nakangiting sabi nya dito.

" ay nakakahiya naman., pero kung yan ang gusto mo Melody.  Saan nga pala tayo pupunta. at sino nga pala itong gwapong bata na ito. " sabi nito habang nakangiting nakatingin kay Crush.

" Ay oo nga pala kuya, si Crush po pala Anak ko. Bumati ka Crush. "

" Magandang araw po Mang Mando. " nakangiting sabi ni Crush.

" Ay mabuti naman crush, nakita mo naba si bugoy ang anak ko siguradong magkakasundo kayo. Magkaidad kayo eh kaso nasa paaralan pa. "

" Yon nga pala kuya pupunta nga pala tayo sa paaralan susubukan kung ihabul pa itong si Crush. Malayo po ba mula dito.

" Hindi naman ganon Kalayo Melody. Mga kinse minutos kung lalakarin mo. Kayang kaya yon ni Crush. Mas ok yon sabay na sila ni bugoy ko. " mahabang sabi nito.

Pagkatapos magusap ay tumuloy na sila sa paaralan sa nayon na iyon. At ma swerte naman napakiusapan nya ang prinsipal  na kung pwedeng ihabul ang anak nya.

Pagkatapos makipag-usap ay bumalik na sila sa kotse. Ng pasakay na sila nahagip ng mga mata nya ang tindang mga kakanin sa sa kabilang kalsada ilang metro galing sa sasakyan nila.

Kaya nagpaalam. Muna sya kay mando at kay Crush na tatawid lang para bumili ng kakanin.

Ng mga ilang dangkal nalang ang layo nya sa tindahan ng prusta ng isang mabilis na kotse ang dumaan sa maliit  na butas na may lamang kunting tubig mula sa nakatapos  na ulan ang tumalsik sa kanya.

Kaya inis na inis nyang pinagpag ang sarili.  Ngunit lalo lang kumalat ang putik. Pabalik na sana sya ng kotse ng makita nyang tumigil ang pasaway na sasakyan sa harapan nya. Pero di nya pinansin ito nagpatuloy lang sya sa pag lalakad.

" Miss ok kalang ba?  Tanong ng lalaking sa likuran nya di nya napanasin kababa ito ng kotse.

May gana pang magtanong ito kung ok lang sya. Kaya inis na inis syang humarap dito. Ngunit natigilan pa sya ng makita ang kaharap.

Bat parang pamilyar  ito nagkita naba sila nito dati pero di nya matandaan.
Kaya muling nabuhay na inis nya.

" Mukha ba akong Ok mister!" naka pamaywang nyang sabi.

" Pasensya na miss di ko sinasadya." kamot noong sabi nito.

" Di mo sinasadya, ang sabihin mo kaskasero kang driver!! " singahal nya rito.

" Hoy misss di ako kaskasero ok di kolang talaga nakita. Ang suplada mo naman.. Nagsososory na nga ako ehh."  seryosong sabi nito.

Natigilan pa sya ano bayan bakit ba kasi ang gwapo nito. Parang ayaw tuluy nyang magsublada.

" Misss ito  bumili ka nalang ng bagong damit itapon mo nalang nyang damit mo. Para wala ng problem. " sabi nito sabay kuhay ng dalawang libo sa pitaka at sabay abot sa kanya.

Lalo nyang nainis aba mukha ba syang walang pambili ng damit. Kita mo tong lalaking too halos umusok ang ilong nya.

" Hoy Mister mukha ba kong mukhang pera. Di ko kailangan yang pera mo. Isak sak mo yan sa baga mo. Antipatiko purket mayayaman lahat na tutumbasan ng pera! " singhal nya uli rito.

Magsasalita pa sana ito ng may bumusinang kotse sa harap nila. Tiniwag sya ni crush.

" Mama, anong ngyari sayo bat ganyan ang damit mo" sigaw nito.

" Wala anak. May isang impakto lang na nakasaboy ng putik kay mama. " simpleng sagot nya.

Nakita nyang papaba na ito ng kotse kaya.  Kaya minabuti nyang pigilan ito.

" Wag kanang bumababa anak. Sasakay nako." sabi nya rito.

Kaya walang paamla na iniwanan nya ang lalaki. Nakita nalang nya sa side mirror na nakatayo parin ito sa kung saan nya ito iniwan.

" Ok kalang ba Melody. "  tanong ni kuya Mando.

" Ok lang po kuya, wala to natalsikan lang ako ng putik ng bastos na lalaking yon. " simpleng sagot nya habang nagpupunas ng sarili.

" Parang pamilyar sakin ang lalaking yon di ko lang maaalala kung san ko sya nakita. " sabi Ni mando.

" Wag nyo ng pagkahabalahang isipin yon. Di ako interesado " sabi nya rito.

Di narin ito nagtanong pa.

🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

Kinahapunan  maligo at mag ayos ng sarili ay pumunta na sya ng kusina para kumain ng hapunan.

Masaya syang makitang aliw na aliw ang mga magulang nya sa mga anak nya. Lalo na ang ama nya na  napansin nyang lumalakas kasama ang mga bata.

" Kamusta naman ang lakad mo hija balita ko may nang yari sayo kanina kwento nitong anak mo. " nakangiting sabi ng papa nya.

" Ok naman ang lakad ko pa sa lunes pwede nang pumasok si Crush. At tungkol naman don sa ngyari ayon naligo lang naman ako sa putik dahil sa bastos na lalaking yon. " naiinis parin na kwento nya.

Nakatawanan ang mag asawa.  hay nako tinawan pa sya di na naawa sa kanya.

" Nakilala moba kung sino anak? " tanong ng mama nya.

" Di po ma,  at wala din po akong balak na alamin pa. " matigas na sabi nya.

Matiwasay na natapos ang haponan. Matapos ma check kung ok na ang mga anak. Ay nahiga narin sya,  ngunit di parin sya dalawin ng anyok. Mukaha ng antipatikong lalaki ang naaaninag nya.

"Ano bayan ! bat ba diko makalimutan  ang bastos nayon. " maktol nya.

Baka naman kasi nagwagwapohan ka. Baka type mo tehh aminin. Sabi na naman ng traidor na utak nya.

Ibinaon nya ang ulo sa unan para makatulog na sya. Dahil bukas panibagong araw ulit ang kakaharapin nya.

🔵JONGSTER28🔵

"HI GUYS!!! THANKS FOR READING THIS CHAPTER. PLSS DONT FORGET TO VOTE, SHARE AND COMMENT IT MEAN'S A LOT MUAHHHH😘😘😘😘

*************************

Unexpected Love Story  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon