CHAPTER ONE (YELLOW UMBRELLA)

5.2K 98 5
                                    

Isang maulan na araw na naman. I leaned my head against the bus window, then took a pocket book from my bag and put on earphones on my ears para hindi maistorbo ng ingay 'rito sa bus.

Hindi ko ma-appreciate ang daan patungong Palawan dahil sa walang hintong pag-ulan. Hindi naman ganoon kalakas, pero sapat na para yakapin ng ulan ang buong view sa labas. Kaya mas pinili ko nalang mag basa ng Nobela.

Ang ganda ng nobelang binabasa ko. Foryou ang title, it's all about two boys na magkaibigan simula pagkabata at nainlove sila sa isa't isa. So common story but, it makes me smile. I love B.L. Story.

"Farrel," kahit na naka earphones narinig ko ang kapatid ko na tinatawag ang pangalan ko. Inalis ko ang pagkakapasak ng earphones sa tenga ko, saka nilingon siya. She's my older sister, dalawa lang kaming magkapatid at tulad ng mga normal na Pilipino. Our parents was divorced. Napansin n'yo ba? Norms na ang Divorced parents sa Pilipinas?

"Malapit na tayo. Tingnan mo na lahat ng gamit mo." She said.

Sinunod ko naman s'ya. Ayoko na kasing siya pa ang utusan, dahil I know how much kung gaano s'ya ka stress sa buhay namin.

Papunta kami ngayon ng Palawan para kina lola na tumira. Our parents decided to divorced dahil hindi na 'raw sila compatible. Okay lang naman saamin ni Ate, dahil napanood namin kung paano sila mag away palagi. Kahit kami nagsawa na.

Lola can provide for us, mayroon siyang isang souvenirs shop na malakas ang benta. Kaya ganon nalang kadali na kausapin ni mama si lola na pag-aralin kami. Well only child din kasi si mama, kaya kami lang ang pamilya ni lola. Lolo passed away, when I was five years old kaya mag-isa nalang si lola.

Huminto ang bus sa El Nido Transport Terminal. Kaya bumaba na kami ni ate mula sa bus. Ako na ang nagprisinta na mag dala ng gamit niya, dahil masyado s'yang maliit at payat. Sanay naman na rin akong magbuhat dahil nag gygym ako.

"Takpan mo nga 'yang mukha mo Farrel!" Nilingon ko si ate, nang hampasin ako at magsalita siya. Muntik ko pang mailaglag ang mga gamit na bitbit ko, dahil sa bigat ng kamay n'ya. Shemey, itong si ate. Ang liit-liit pero ang lakas nanghampas.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko sakan'ya.

"Anong bakit?" Inis n'yang tanong din. "Tingnan mo nga ang mga tao rito, sayo lang ang tingin." Nguso n'ya sa mga taong nadadaanan namin, palabas ng terminal.

Iginala ko ang mata ko. May iilang mga naka tingin nga, pero siguro dahil lang matangkad ako. I'm 187.96 centimeters in short, 6'2. Kaya siguro napalalingon sila.

German si papa at si mama, isang pinay lang na naka ahon sa kahirapan dahil sa isang foreigner. But, ngayon dahil 'rin sa foreigner. Nabaon ulit siya sa kahirapan.

Iniwan namin s'ya ni ate sa Manila, dahil isa siyang manager ng bar doon at hindi n'ya pwedeng iwan ang bar. Hindi n'ya na kami kayang pag-aralin dahil 300-400 lang ang kita niya sa isang araw, so she decided na umuwi nalang kami dito sa Palawan para si lola ang mag paaral saamin.

"Farrel, Farrah!" Lola's voice melted my heart. it's been a few years since I heard and saw Lola.

"Lola!" Masayang bati ni Ate. Ako naman inilapag ko muna ang gamit namin sa upuang kahoy dito sa salas ng bahay ni lola.

Tumayo ako sa gitna ng bahay, halos mauntog ako sa liit nito, pero si lola lang naman kasi ang nakatira at ang ampon n'ya. I think she was 5'2-5'3 kaya sakto lang ang ganitong bahay sakanila, pati na rin kay ate na 5'4 ang height, saakin lang ata hindi.

"Farrel, hindi mo 'man lang ba yayakapin si lola?" Tanong n'ya saakin.

Ngumiti ako, saka naglakad papalapit sakan'ya. Her arms was so small. Naaalala ko dati, ang laki nito para saakin but now ang liit-liit na. To the point na hindi na ako maikulong sa bisig n'ya.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now