16

1.6K 53 2
                                    

Fight

"Ion.." tawag ko Sakan'ya nang maghiwalay ang labi namin, pero tuluyan na siyang bumagsak at napasandig pa ang ulo sa balikat ko.

Inakay ko na siya papasok sa kwarto. Kahit na gabi na, nagpaliyab pa 'rin ako ng apoy para makapag paiinit ng tubig at punasan ang katawan n'ya.

Matapos kong gawin iyon, nagtungo ako sa kwarto. Natawa ako nang makita siyang black out na black out. Sinubukan kong galaw-galawin ang braso n'ya pero hindi talaga s'ya nagigising.

Pinunasan ko ang mukha n'ya. Napatigil ako nang tumama ang paningin ko sa labi n'ya.

His lips was so soft.


"Aray tangina." Reklamo ni Ion saka bumangon sa kama habang nakahawak sa ulo. "Ang sakit ng ulo ko." Daing n'ya pa.

"Isang Jar ba naman ng alak ang ininom mo, bakit hindi sasakit 'yang ulo mo." Inis na sabi ko, saka inilapag ang tray ng pagkain sa harap n'ya. Nauna akong magising sakan'ya, kaya ako ang naghanda ng pag-kain para saamin. Mayroon iyong canned fish at tubig. Wala naman kaming ibang pagkain kun'di ito lang.

Kaninang umaga, nagising na lamang ako na naka dukdok sa gilid ng kama. Nakatulugan ko pala ang pagpupunas ko kay Ion.


Tiningnan n'yako nang naka ngisi, "kung magsalita ka para kang babae." Natatawang sabi n'ya. "Si mommy ganyan na ganyan magsalita."

I cleared my throat saka nag iwas ng tingin. Di ko mastop ang kabaklaan kainis, "anong babae?" Kunwaring inis na sabi ko para hindi matakpan ang kabaklaan.

Ang mga mata ko ay otomatikong dumapo sa labi n'ya nang tiningnan ko siya.

Naaalala ko nanaman ang nangyari kagabi.

We kissed!

That's not my first kissed, pero shemey. Si Ion na homophobic, hinalikan ako??

"Bat ka ganyan tumingin? May ginawa ba'ko kagabi?" Tanong n'ya.

Naaalala n'ya ba?

"H-Ha?" Utal na tanong ko.

"Black out kasi ako kagabi kaya wala akong maalala, nasagad ako." Inis niyang sabi, "ano nag panggap ba'kong aso? May nasabi ba'ko?" Sunod-sunod n'yang tanong.

Saan n'ya naman nakuha ang pag papanggap n'ya bilang aso?

Pero hindi n'ya ba naaalala na we kissed? Ako halos hindi ako mapakali pagkagising ko tuwing naaalala ko na naghalikan kami! Pero s'ya hindi n'ya naaalala?!

Inis ko nalang siyang iniwan sa kwarto. Narinig ko pa ang pahabol niyang tawag.

Napasandig ako sa pinto ng kwarto, saka napahawak sa puso ko. Tanginang puso 'to, ang bilis na naman ng tibok!

Buong araw ko siyang pilit iniiwasan, pero ang kulit n'ya. Hindi ko matiis.

"Ano bang problema Farrel?" Pangungulit n'ya saakin, nandito kami ngayon sa niyugan at naka sakay ako sa duyan para magpahangin. "Na offend kaba kanina noong sinabi kong para kang babae? Bigla mo kong iniwan sa kwarto." Tanong n'ya pa.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now