35

1.2K 44 65
                                    

One more day

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa nabasa kong iyon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman, dahil sa pagkalito at takot.


Is He cheating on me?

No.

Kilala ko si Ion, hindi n'ya gagawin saakin iyon... Hindi n'ya kayang gawin 'yon diba?

Pinikit ko ang mga mata ko, saka huminga ng malalim upang mapakalma ang sarili.

Huwag ka munang mag isip nang kung ano-ano Farrel, hintayin mo si Ion na mag paliwanag sayo. Pangungumbinsin ko sa sarili.

Hindi ko na nagawang pahapyawan pang muli ang nirereview ko, dahil sa nabasa sa Messenger ni Ion. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, gusto kong umiyak pero baka masayang lang ang luha ko. Malaki ang tiwala ko kay Ion, ang sasabihin n'ya lang ang paniniwalaan ko


Don't over think too much Farrel. Muling pangungumbinsi ko sa sarili.

Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Patuloy ang kung ano-anong bad thoughts na pumapasok sa isip ko, kaya sinubukan kong tawagan si Ion.

Nag riring ang cellphone n'ya, pero hindi n'ya iyon sinasagot.

Bakit ayaw mong sagutin Ion? Sagutin mo naman please. Ayokong pag isipan ka ng masama.

Mas lalong bumigat ang ulap sa isip ko na punong-puno ng mga masasamang iniisip. Ilang beses ko pang pinag ring ang cellphone n'ya, sinubukan ko rin na i-text s'ya pero wala akong natanggap kahit anong response.

Farrel, stop over thinking. He loves you. Hindi rin ako pwedeng mag ooverthink masyado, exam ko na bukas.

Kahit anong pag pilit ko sa sarili ko na alisin ang mabigat na nararamdaman, hindi ito mawala.

Nag push up ako nang halos mahigit isang daan, I also use treadmill para tumakbo at pagurin at distract ang sarili pero walang nangyayari. Nag f-flashback lang ng paulit-ulit sa isip ko ng nabasa ko sa Messenger ni Ion.

Nasa hotel s'ya at may kasamang iba.

May kasamang iba...

Napailing-iling ako. Mahigit apat na taon na kami, bakit ba ngayon pa ako nag hinala sakan'ya?

Baka nman kaibigan n'ya lang iyon. Masyado akong praning.

Matapos mag exercise. Naligo na lang ako. Habang nag s-shower, may pumasok na ideya sa isip ko.

Puntahan ko na kaya sila para kaagad masagot ang tanong sa isip ko?

Nag bihis ako, saka ako lumabas ng kwarto ni Ion.

Nang pababa na'ko sa hagdan. "Oh Farrel, where are you going?" Takang tanong ni Mayor. Nagulat ako nang makita ko si Mayor na kakapasok lang sa bahay mukhang kararating n'ya lang.

"Daddy!" Nagulat pang sabi ko kay Mayor.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong n'ya muli.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now