14

1.2K 47 1
                                    

Secret beneath the island

"S-Sya..." Bulong ni Ion, habang nakaturo sa larawan ni mama. "S'ya ang babaeng sumira sa pamilya ko. Mukhang dito s'ya binahay ni daddy noon." Ang boses n'ya ay kalmado, pero punong-puno nang pagkamuhi.

Ang daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam kung ano pero halo-halo. Gusto ko nalang mabaliw! Ang gulo! Bakit may ganito?!


Si mama nga ba ang kabit n Mayor kaya namatay ang mommy ni Ion?

Pero bakit ganon ang narinig ko sa usapan nila ni Mayor? Bakit parang galit si mama sakan'ya?!



Inalis ni Ion ang pagkakatutok ng ilaw sa mga larawan. "Hindi ko alam kung anong mayroon sakanila ni Daddy. but I know, She's the other woman of my father." Mababa niyang sabi.


Tahimik lang ako, naghahanap 'man nang sasabihin pero wala talaga akong makita. Tama nga ang nakita ko noong isang araw na si mayor nga ang kausap ni mama at nagkaroon nga sila ng relasyon. Pero bakit nga galit si mama kay Mayor noong nakita ko silang naguusap kung may relasyon man sila?!



"Bakit hindi ka nagsasalita?" Nagising ako sa kasalukuyan nang mag Tanong si Ion. Itinutok n'ya ang ilaw sa kisame, saka naupo sa long sofa na nandito sa salas.

"W-Wala." Iling ko, "s-sigurado kaba na siya ang babae ng daddy mo?" Pagkumpirma ko. Alam ko kasi na si mama iyong nasa larawan. Siguradong-Sigurado ako. She's my mother! Kaya alam ko.

Tumango s'ya, "oo naman, naalala ko. Sa office desk ni daddy, nasa drawer non ang picture noong babae na iyan."

"Pero paano kung hindi pala talaga s'ya babae ng daddy mo-

"Babae s'ya ni daddy."putol n'ya saakin, "sigurado ako. Dahil noong araw na nakikipag hiwalay si daddy kay mommy, sinundan ko s'ya at nakita ko na nakipag kita  s'ya sa babaeng iyan." Pagkukwento n'ya, kaya napaikom nalang ang bibig ko.

Ang gulo,  ang gulo-gulo. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Sa dami nang lugar bakit kasi dito pa kami napadpad?

Patuloy na lumalakas ang ulan, mukhang bagyo na ito. Hindi basta ulan lang.

Sa kalaliman ng gabi, inaantok na'ko
Pero hindi ako makatulog dahil sa sobrang ginaw. Pareho lang kaming nakaupo ni Ion at naka tulala.

"Aish!" Sigaw n'ya, saka tumayo sa kinauupuan. "Tangina ang malas, sa dami nang mapupuntahan. Itong bahay pa na'to." Rinig kong bulong n'ya. Pareho pala kami ng iniisip.


Binalingan n'yako, "bakit hindi kapa natutulog?" Takang tanong n'ya nang matanaw ako.


Nakaupo kasi ako ngayon sa single sofa, habang nakayakap sa tuhod ko ang lamig kasi, wala kaming nakita na damit ng daddy n'ya. Kaya pareho kaming topless."Maginaw." Sagot ko sakan'ya.

Mula sa ilaw nang flashlight sa radyo, tanaw ko na inobserbahan n'yako.

Nahiga s'ya sa sofa, at Tumagilid s'ya nang higa. saka binuksan ang mga bisig. "Halika rito, dito ka matulog sa tabi ko para mainitan ka."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya, "ha?!" Gulantang na tanong ko.

What the kerls? Ano raw?

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now