30

1.4K 44 21
                                    

Double confession?

"Farrel. Gusto kita."

Hindi ko maipinta sa isip ko kung ano bang hitsura ko ngayon sa pagkabigla dahil sa sinabi ni Dave.

Kanina, nasa loob ako ng mall at kasama si Ion. Pero nakarecieve ako ng text mula kay Dave at sinasabing may emergency daw s'ya, puntahan ko raw s'ya sa Parking lot nitong mall. Kaya nagulat ako, bakit s'ya biglang nag coconfess saakin.

"Huh?" Iyon lang ang nasabi ko, after he confessed.

"Gusto kita." Pag uulit n'ya sa kaninang sinabi, nag sisi tuloy ako na nag huh pa ako. "I won't accept rejection. Pag isipan mo. Matagal a tayong mag kaibigan." Wika n'ya. Napa uwang ang labi ko. Anong connect nang pagiging mag kaibigan namin? Tsaka hindi porket magkaibigan kami gugustuhin na namin ang isa't isa.

"At unang kita ko pa lang sayo nagustuhan na kita. " Dagdag n'ya pa.

Ang gulo ng confession na 'to, nakakabigla na. Ang sakit pa sa brainavility.

"Dave..." Gusto ko na s'yang ireject right away, pero I don't want to be harsh.

"Huwag ka munang sumagot ngayon. Pag isipan mo na baka gusto mo rin ako. "Hihintayin ko ang sagot mo, after our first game next week. "

Buong linggo kong iniisip ang sinabi ni Dave. Pinakiramdaman ko rin kung may feelings ako sakan'ya pero si Ion bebe kwah lang ang gusto ko.


"Good luck team!" Si Coach saka isa-isang tinapik ang balikat namin bago pumwesto.

Pupunta na sana ako sa gitna nang lumapit saakin si Ion saka inilapit ang mukha sa tenga ko. "Bagay sayo." Bulong n'ya saakin.

Bahagya akong lumayo sakan'ya dahil baka marinig n'ya ang beklush kong heartbeat at nakita kong naka tanaw s'ya sa sapatos na iniregalo saakin. Ngumiti ako sakan'ya.  Suot ko kasi ang regalo n'yang sapatos saakin. Sobrang komportable, parang lilipad ako tuwing mang b-block ako o mag seset.

Lahat ng pinaghirapan namin sa pag p-practice ay nag bunga. Dahil nanalo kami. 25-18 ang score sa first half, sa second half naman ay 25-10.

"Grabe palong-palo si Captain. May pinopormahan 'to." Kantyaw ni Uno nang matapos ang game at nasa rest area na kami kung saan kami magpapalit ng damit. Nag aya kasi si coach na mag samgyupsal at hot pot.


"Wala pa ah." Deny ni Ion, kaya napa lingon ako sakan'ya. Nakita ko na naka tingin s'ya saakin kaya kaagad akong nag iwas ng tingin at nag punas na lang rin ng pawis.

"Hoy! Hoy!" Naagaw ang atensyon naming lahat nang sumigaw sa Waki.  Tiningnan namin kung saan s'ya naka tingin at nakita kong may babae na patakbo palayo dito. "Hoy!" Sigaw ni Waki At hinabol ang babae

.

"Sinusundan pa rin pala si Waki, no'ng stalker n'ya." Bulong ni Alas.

Nilingon ko si Alas, walang pakielam ang ibang teammates ko sa sinabi n'ya. Mukhang alam na nila at ako na lang ang walang alam.


"Busy ka kasi," wika ni Alas saakin nang makita n'yang naka tingin ako sakan'ya. "May stalker si Waki. Patay na patay sakan'ya. Creepy." Pag kukwento ni Alas.

Wow may lovelife na rin.

Tumango na lang ako sakanya. Kumuha ako ng plastic cup para uminom sa Jar ng tubig nang makita kong wala na iyong laman. Magtatanong sana ako ng tubig kay Ion nang lumapit saakin si Dave.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now