CHAPTER 03 (Comander)

2.1K 64 32
                                    

"Ion!" Hiyaw ni Dawi nang makita naming papasok ng Gym si Ion. Kanina pa kami narito at hinihintay si Ion. Napag desisyunan ko na mag tryout sa volleyball team ni Ion. Ion was wearing our P.E. uniform na bagay na bagay sakan'ya. Jusko po, sobrang gwapo n'ya. Bakit gnaoon, kahit hindi maganda ang desenyo ng P.E. Uniform namin ay bagay na bagay sakan'ya. Sabagay, Lahat naman bagay sakan'ya, pati ako. Cheret.

It's been almost two weeks since school started. It's not that difficult to adjust here. Palawan people are very nice.  They also voted me as College monitor and I won,  Thanks for my face card. Buti nalang at kahit gurla ko inside, nagagamit ko pa'rin ang pagiging boylet ko outside.


During my almost two weeks here, Ion and I didn't see each other that much, because we didn't have a reason to see each other. Siguro nakikita ko siya, pero hindi n'ya ako nakikita, ganoon lang. We are not that close and I am the only one who admires him, secretly. But now, I know that we will meet more often.


Kahit na hindi kami madalas nag nagkaka interaction, marami akong information na nalaman about sakan'ya. May fandom kasi s'ya, Angels ata ang name ng fandom n'ya. May dummy account ako na pang babae at naka join sa group nila. Nalaman ko 'don na Law student s'ya at s'ya ang captain ng volleyball team ng school namin! Ang dami n'yang stolen pictures roon! Shet. Ang yummy n'ya.


"Dawi." Mula sa malayo tinawag din ni Ion si Dawi. I wish we're close like that, inggit na inggit na ako kay ate mo Dawi.


Habang nag lalakad palapit sina Ion, saamin ni Dawi may kasama siyang dalawang lalaki, unlike him. Normal lang ang kulay nila. Hindi maputi at maitim, katamtaman lang. Parehong matangkad ang kasama ni Ion, pero mas matangkad s'ya.

Inayos ko muna ang uniform at ID bago sumunod kay Dawi na ngayon ay naglalakad patungo rin kina Ion. Syempre, kailangan plakado pag imemeet ang vetsin ko.

"Kayo pala." Bati ni Ion saamin habang naka ngiti, saka tinapunan ako ng sandaling tingin.

"Sino yan Captain? S'ya ba yung kinukwento mong mas gwapo sayo?" Tanong noong blonde, habang nakaduro saakin. Ang disrespectful naman nito. Kung makaduro!

Tumawa si Ion dahil sa tanong ng kasama. "Oo. Sabi ko sainyo diba? Hindi nagkakalayo ang kagwapuhan namin. Lamang lang s'ya ng isang paligo sa'kin." Ion Joked. No, hindi. Mas gwapo ka sakin bebe kwah. Malanding ani ko sa isip.

"Iiwan ko na si Farrel ha magt-try out raw s'ya sa volleyball team n'yo. Mauna na ako, may class pako sa Chemistry." Biglang singit ni Dawi. "Ion ikaw ng bahala kay Farrel. Wag mong tuturuang mangbabae 'yan. Suntok ka sakin." Banta ni Dawi, saka itinaas pa ang kamao. Natawa naman kami sakanya. No worries Dawi, hinding-hindi ako mambababae dahil lalaki 'rin ang gusto ko.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang lumapit saakin si Ion at inakbayan ako. "Ako ang bahala sakan'ya." Naka ngiti nitong sabi kay Dawi, habang nasawala ang mata n'ya. Ang gwapo n'ya talagang ngumiti! Nawawala ang mata n'ya.

My heart beats fast. Nararamdaman ko sa katawan ko ang matigas niyang katawan. Damn, nag gygym ako alam kong mayroon 'din akong ganito but... Iba pag sa vetsin mo. Nakakapang hina, gusto kong magpa headlock sakan'ya.

"Farrel ayos kalang?" Nagising ako sa kasalukuyan nang pumitik si Ion sa harap ko. Naalis na pala ang pagkaka akbay n'ya saakin. Shemey! Nag day dream ako sa harap n'ya. Nakakahiya!

"H-Ha?" Ako, saka nag panggap na hinihigpitan ang necktie ng damit.

"Ayos kalang?" Pag-uulit n'ya sa tanong n'ya.

"O-Oo." Nahihiyang sabi ko at nag iwas pa ng tingin. Bakit ba nagkakaganito ako sa harap niya? Nakakahiya! Masyado akong halatain.

Buti na lang, Inanyayahan na nila ako sa bench kung saan nakalagay ang mga gamit nila. Naabutan namin ang iba pa nilang kasama sa volleyball team. Nakilala ko 'rin ang dalawang kasama n'ya, si Waki na anak ng Kapitan ng Barangay namin at si Brent naman ang pamangkin ng governador. Siguro'y mayaman si Ion dahil puro anak ng may posisyon ang kaibigan n'ya.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now