MISS
"Sigurado kang ayaw mong sumama?" Takang tanong ni Ion habang nag bibihis ng V-neck t-shirt n'ya. Napatingin ako sa orasan sa pader, at alas siyete na ng gabi. Nasabi n'ya saakin kanina na may lakad nga pala sila ng mga dating ka volleyball teammates namin, sinasama n'ya nga ako dahil halos mag iisang taon na rin kaming hindi nagkikita-kita. Kaso'y sobrang dami ko pang kailangang reviewhin.
Pinakita ko sakan'ya ang isang
Damakmak na hindi ko pa natatapos reviewhin. Naghahabol kasi ako ng rereviewhin dahil nga sa nangyari saakin noong mga nakaraan.Nandito ulit ako sa bahay nina Ion, si mama at ate ay kaluluwas lang sa Maynila samantalang sina Dawi at Dave ay nanatili sa bahay ni lola, mainam na rin iyon, para may mangalaga pa rin sa bahay ni lola kahit wala kami roon.
Gusto ko sanang manatili sa bahay ni lola, pero Hindi ko talaga kaya, dahil bawat sulok ng bahay na iyon ay naaalala ko s'ya. Buti na lang nandito si Ion at Mayor na handa akong patirahin sa bahay nila.
Hindi madaling makaahos sa ganoong pangyayari sa buhay. Pagod at sasaktan ka, hindi lang physically kun'di pati na rin mentally.
At that moment, hindi ko alam kung paano ko kakayanin na ihatid si lola sa huling hantungan. Buti na lang kinaya ko, dahil nasa tabi ko si Ion, hindi n'yako iniwan s'ya rin ang naging sandigan ko.
He's always by my side, through ups and down. Si Ion ang nag bigay saakin ng lakas para kayanin ko. And because of him, hindi ko na kailangan mag alala sa mga taong nasa paligid ko, because I know He will take care of them.
Ilang araw akong nag pahinga, bumawi ng tulog at ng lakas. Tuwing ipipikit ko ang mata ko, hindi pwedeng hindi ko maaalala si Lola. Her sweet smile, na kung dati ay nagpapatalon sa tuwa sa puso ko, ngayon ay parang dumudurog sa puso ko dahil alam kong hindi Ko na ulit masisilayan ang mga ngiting iyon. Nang makabawi, saka ko sinabak ang sarili sa hahabuling mga rereviewhin.
"Baby, are you okay?" Nagising ako sa kasalukuyan nang alugin ako ni Ion sa braso.
Bahagya akong napapunas sa nang gigilid kong luha. Saka hinarap s'ya. "Okay lang ako. Iniisip ko lang kung kakayanin ko bang pumasa." Pagsisinungaling ko, kahit na ang totoong dahilan ay naaalala ko na naman si lola. Ayoko rin kasi na sabihin kay Ion na nalulungkot pa rin ako, dahil mag-aalala lang s'ya.
Nakita ko kung paano n'ya ako obserbahan na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko, kaya pilit akong ngumiti sakan'ya. " Okay lang nga po." Wika ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan at tinulak s'ya palabas para pumunta na sa patutunguhan n'ya. "Sige na, baka magalit sayo sina Waki pag nalate ka. Alas siyete na mahigit." Inis ko kunwaring sabi.
"Baka kasi hindi ka okay, hindi na ako aalis. Dito na lang ako." Panigurado n'ya.
Ngumiti ako saka umiling, "okay na okay po ako. Kaya ko pong mag-isa, alam ko naman na babalik ka rin kaagad." Confident na sabi ko.
"Babalik ka naman diba?" Paninigurado ko pa.
Hinapit ng dalawang braso n'ya ang baywang ko saka ako kinabig palapit sakan'ya at pinaulanan ng halik ang buong mukha ko. "palagi akong babalik sayo." Naka ngiting sabi n'ya.
Kaagad akong lumayo, baka may maka kita saamin dahil bukas ang pinto ng kwarto n'ya. "Sige na po, mag rereview na'ko. Gumora kana."
Humabol pa s'ya ng isang halik sa pisnge ko, "babalik ako, bandang alas onse. Anong gusto mong pasalubong para ganahan ka mag review." Takang tanong n'ya.
Umiling ako, "bumalik ka lang. Gaganahan na'ko sa pag rereview.." Wika ko.
"Sige, babalik ako ng alas onse o mas maaga. Para matulungan din kitang mag review." Sabi n'ya nang may ngiti sa labi, saka tuluyan nang lumabas sa kwarto at sinarado ang pinto.
YOU ARE READING
What's Our Secret Beneath The Island?
Roman d'amourIdris Giddeon 'Ion' Velasquez, He's one of Boys at the back. Everyone loves him, because he's handsome and kind. Mabait siya sa lahat pwera lang sa bakla, he's a big HOMOPH*BIC short to say. No na no sakanya ang mga bading. Like me. Farrel Davis Fer...