Volleyball Captain
"Farrel, manonood kaba ng practice ko?" Takang tanong ni Dave saakin habang inililigpit ang gamit sa table n'ya. First day n'ya kasi sa volleyball team kaya siya nagpapasama.
"Hindi na. Dadaan akong library, Kailangan kong tapusin plates ko. Don nalang ako gagawa, baka maraming tao sa plaza mercedes." Tugon ko, saka tumayo sa kinauupuan at isinabit sa likuran ang Expendable drawing tube ko.
"Sige, after practice dadaanan kita sa library. Hintayin mo'ko." Naka ngiting sabi sakin ni Dave, saka hinawakan ako sa ulo at lumabas na ng room.
Dave is my friend. Nag transfer s'ya from ilo-ilo to Palawan. Dahil sa personal matters 'rin.
Nagkakilala kami, dahil I'm in-charge sa mga transferee student dahil nga ako ang buong president nitong school. Nagkataong architecture din s'ya at same year kami kaya naging magkaklase kami.
Nag quit na ako sa volleyball to avoid Ion, ayaw akong payagan ni coach but gladly, Dave. He's a volleyball player kaya may pumalit saakin. I love playing sports pero I'm willing to give up my passion para lang iwasan si Ion. Kaso'y bali-balita nag quit na rin daw si Ion sa pag vovolleyball at lumipat ng law school sa Manila.
Kaya siguro hindi ko s'ya nakikita sa buong campus kahit isang linggo na simula noong pasukan.
Dave is so kind, gwapo 'rin. Pero ayoko munang pairalin ang pagiging bakla ko, baka maka harm na naman ako ng hindi inaasahan...
Noong pasukan, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mag aral dito sa school dahil tiyak na magkikita at magkikita kami ni Ion. Pero nang mabalitaan ko ngang wala na s'ya sa Palawan at nasa Maynila s'ya. Nakaka kilos ako ng walang kaba.
Matapos ang insidente sa pagitan ng Pamilya namin. Hindi na ulit kami nagkita dahil inuwi ako ni mama sa Manila. She thinks i need therapy dahil matagal-tagal 'rin akong hindi nakipag halubilo sa mga tao kaya parang tinatamaan ng anxiety pag maraming tao. Si papa ang sumagot sa therapy ko.
Hindi rin ako nag aksaya ng oras para tanungin si mama About sa kung anong meron sila Mayor, dahil sa nakikita. She's trying her best to avoid Mayor Adam Velasquez.
Wala pang isang buwan ay naka recover na'ko sa anxiety tulong ng therapy. Napag desisyunan ni mama na sa Manila na'ko mag aral, pero hindi ako pumayag. Dahil alam ko na matatapakan ang pride at ego ni mommy pag sinagot pa ni papa ang pagpapaaral sakin sa Manila. Tsaka kahit gaano kalaki ang Maynila. Tiyak na magkikita kami ni Ion doon kung nasa Maynila kaming dalawa. Mas maigi nang manatili sa Palawan.
"Sigurado ka? Hindi imposibleng hindi kayo magkita ni Ion. Sa galit n'ya saakin, baka idamay ka n'ya." Nag aalalang wika ni mama.
I smiled at Her saka umiling."nakasama ko s'ya for almost a year, alam ko na pag galit s'ya sa isang tao hindi n'ya lang ito papansinin." Wika ko. Hindi pa n'ya alam na beki ako, ang alam n'ya lang ay galit sakin si Ion dahil anak n'ya ako.
Ayoko munang sabihin para hindi namadagdagan pa ang iniisip ni mama. Matapos ang therapy, bumalik na'rin ako sa Palawan. Ate and lola was so happy to see me. Pero si Dawi...
"Bakit bumalik ka pa?" Inis niyang tanong saakin. Nandito kaming dalawa sa souvenir shop. Si ate at si lola ay nauna ng umuwi sa bahay dahil gabi at kami na lang ni Dawi ang pinag sarado nitong shop.
YOU ARE READING
What's Our Secret Beneath The Island?
RomanceIdris Giddeon 'Ion' Velasquez, He's one of Boys at the back. Everyone loves him, because he's handsome and kind. Mabait siya sa lahat pwera lang sa bakla, he's a big HOMOPH*BIC short to say. No na no sakanya ang mga bading. Like me. Farrel Davis Fer...